Magandang Balita Bible (Revised) 2005
|
| 1 |
| Pagkaraan ng lahat ng ito, si Abram ay nagkaroon ng isang pangitain. Sinabi sa kanya ni Yahweh, “Abram, huwag kang matakot. Ako ang iyong kalasag na mag-iingat sa iyo. Bibigyan kita ng napakalaking gantimpala.” |
| 2 |
| Ngunit sinabi ni Abram, “Panginoong Yahweh, ano pang kabuluhan ng gantimpala mo sa akin kung wala naman akong anak? Wala akong tagapagmana kundi si Eliezer na taga-Damasco. |
| 3 |
| Hindi mo ako pinagkalooban ng anak, kaya ang alipin kong ito ang magmamana ng aking ari-arian.” |
| 4 |
| Subalit sinabi ni Yahweh, “Hindi isang alipin ang iyong magiging tagapagmana; ang sarili mong anak ang magiging tagapagmana.” |
| 5 |
| Dinala siya ni Yahweh sa labas at sinabi sa kanya, “Tumingin ka sa langit at masdan mo ang mga bituin! Mabibilang mo ba iyan? Ganyan karami ang magiging lahi mo.” |
| 6 |
| Si Abram ay sumampalataya kay Yahweh, at dahil dito, siya'y itinuring ni Yahweh bilang isang taong matuwid. |
| 7 |
| Sinabi pa ni Yahweh kay Abram, “Ako ang kumuha sa iyo sa bayan ng Ur ng Caldea upang ibigay sa iyo ang lupaing ito.” |
| 8 |
| Itinanong naman ni Abram, “ Panginoong Yahweh, paano ko malalamang ito'y magiging akin?” |
| 9 |
| Sinabi sa kanya, “Dalhan mo ako ng isang baka, isang babaing kambing, at isang tupa, bawat isa'y tatlong taon ang gulang. Magdala ka rin ng isang kalapati at isang batu-bato.” |
| 10 |
| Dinala nga ni Abram ang lahat ng iyon at biniyak ang bawat isa maliban sa mga ibon. Inihanay niyang magkakapatong ang pinaghating hayop. |
| 11 |
| Bumabâ ang mga buwitre upang kainin ang mga ito, ngunit itinaboy sila ni Abram. |
| 12 |
| Nang lumulubog na ang araw, nakatulog nang mahimbing si Abram, at nilukuban siya ng isang nakakapangilabot na kadiliman. |
| 13 |
| Sinabi ni Yahweh, “Ang iyong mga anak at apo ay mangingibang-bayan at magiging alipin doon sa loob ng 400 taon. |
| 14 |
| Ngunit paparusahan ko ang bansang aalipin sa kanila, at pag-alis nila roon ay marami silang kayamanang madadala. |
| 15 |
| Pahahabain ko ang iyong buhay; mamamatay at ililibing kang payapa. |
| 16 |
| Daraan muna ang apat na salinlahi bago sila makabalik dito, sapagkat hindi ko muna paparusahan ang mga Amoreo hanggang sa maging sukdulan ang kanilang kasamaan.” |
| 17 |
| Pagkalubog ng araw at laganap na ang dilim, biglang may lumitaw na palayok na umuusok, at maningas na sulo na dumaan sa pagitan ng mga pinatay na hayop. |
| 18 |
| At nang araw na iyon, gumawa si Yahweh ng kasunduan nila ni Abram at ganito ang sinabi niya: “Ibibigay sa lahi mo ang lupaing ito, mula sa hanggahan ng Egipto hanggang sa Ilog Eufrates, |
| 19 |
| kasama ang lupain ng mga Cineo, Cenizeo, Cadmoneo, |
| 20 |
| Heteo, Perezeo at Refaita, |
| 21 |
| gayundin ang lupain ng mga Amoreo, Cananeo, Gergeseo at Jebuseo.” |
|
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogrevised2005/genesis/015.mp3
50
15