Subalit ang mga anak ng naging mga asawang-lingkod ni Abraham ay binigyan ni Abraham ng mga kaloob. Habang nabubuhay pa siya ay inilayo niya ang mga ito kay Isaac na kanyang anak. Kanyang pinapunta sila sa lupaing silangan.
Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ismael, ayon sa pagkakasunod-sunod ng kanilang kapanganakan: ang panganay ni Ismael ay si Nebayot, pagkatapos ay sina Kedar, Adbeel, Mibsam,
Ito ang mga anak ni Ismael, at ito ang kanya-kanyang pangalan, ayon sa kanya-kanyang nayon, at ayon sa kanya-kanyang kampo; labindalawang pinuno ayon sa kanilang bansa.
Nanalangin si Isaac sa PANGINOON para sa kanyang asawa, sapagkat siya'y baog; at dininig ng PANGINOON ang kanyang panalangin at si Rebecca na kanyang asawa ay naglihi.
Sinabi sa kanyang PANGINOON, "Dalawang bansa ang nasa iyong bahay-bata, at ang dalawang bayan na ipapanganak mo ay magiging hati; ang isa ay magiging higit na malakas kaysa isa, at ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata."
Pagkatapos ay lumabas ang kanyang kapatid, at ang kanyang kamay ay nakakapit sa sakong ni Esau; kaya't ang ipinangalan sa kanya ay Jacob. Si Isaac ay may animnapung taon na nang sila'y ipanganak ni Rebecca.
Nang lumaki ang mga bata, si Esau ay naging sanay sa pangangaso, isang lalaki sa parang; samantalang si Jacob ay lalaking tahimik, na naninirahan sa mga tolda.
Sinabi ni Esau kay Jacob, "Pakainin mo naman ako nitong mapulang nilaga sapagkat ako'y gutom na gutom." Dahil dito ay tinawag ang kanyang pangalan na Edom.
At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilaga na lentehas. Siya'y kumain, uminom, tumayo, at umalis. Ganyan hinamak ni Esau ang kanyang pagkapanganay.