At siyay tumingin, at nakakita ng isang balon sa parang, at narito, may tatlong kawan ng mga tupa na nagpapahinga sa tabi roon: sapagkat sa balong yaon pinaiinom ang mga kawan: at ang batong nasa ibabaw ng labi ng balon ay malaki.
At doon nagkakatipon ang lahat ng kawan: at kanilang iginugulong ang batong nasa ibabaw ng labi ng balon, at pinaiinom ang mga tupa, at muling inilalagay ang bato sa ibabaw ng labi ng balon, sa dako niyaon.
At sinabi niya sa kanila, Siya bay mabuti? At, kanilang sinabi, Siyay mabuti: at, narito, si Raquel na kaniyang anak ay dumarating na dala ang mga tupa.
At kanilang sinabi, Hindi namin magagawa hanggang sa magkatipon ang lahat ng kawan, at igugulong ang bato mula sa labi ng balon; gayon nga aming pinaiinom ang mga tupa.
At nangyari, nang makita ni Jacob si Raquel na anak ni Laban, na kapatid ng kaniyang ina, at ang mga tupa ni Laban na kapatid ng kaniyang ina, na lumapit si Jacob at iginulong ang bato mula sa labi ng balon, at pinainom ang kawan ni Laban, na kapatid ng kaniyang ina.
At nangyari, nang marinig ni Laban ang mga balita tungkol kay Jacob, na anak ng kaniyang kapatid, ay tumakbo siya na kaniyang sinalubong, at kaniyang niyakap at kaniyang hinagkan, at kaniyang dinala sa kaniyang bahay. At isinaysay ni Jacob kay Laban ang lahat ng mga bagay na ito.
At sinabi ni Laban kay Jacob, Sapagkat ikaw ay aking kapatid ay nararapat ka bang maglingkod sa akin ng walang bayad? sabihin mo sa akin kung ano ang magiging kaupahan mo.
At nangyari, na sa kinaumagahan, naritot si Lea: at kaniyang sinabi kay Laban: Ano itong ginawa mo sa akin? Hindi ba kita pinaglingkuran dahil kay Raquel? Bakit mo nga ako dinaya?
At naglihi si Lea, at nanganak ng isang lalake, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Ruben; sapagkat kaniyang sinabi, Sapagkat nilingap ng Panginoon ang aking kapighatian; dahil sa ngayoy mamahalin ako ng aking asawa.
At naglihi uli, at nanganak ng isang lalake; at nagsabi, Sapagkat narinig ng Panginoon na akoy kinapopootan ay ibinigay rin naman sa akin ito: at pinanganlan niyang Simeon.
At naglihi uli at nanganak ng isang lalake; at nagsabi, Ngayoy masasama na sa akin ang aking asawa, sapagkat nagkaanak ako sa kaniya ng tatlong lalake: kayat pinanganlan niyang Levi.