Siya'y tumingin at nakakita ng isang balon sa parang. May tatlong kawan ng mga tupa na nagpapahinga sa tabi roon, sapagkat sa balong iyon pinaiinom ang mga kawan. Ang batong nasa ibabaw ng labi ng balon ay napakalaki,
at kapag nagkakatipon doon ang lahat ng kawan, iginugulong ng mga pastol ang batong nasa ibabaw ng labi ng balon, at pinaiinom ang mga tupa, at muling inilalagay ang bato sa kanyang lugar sa ibabaw ng balon.
Sinabi niya sa kanila, "Siya ba'y mabuti ang kalagayan?" At kanilang sinabi, "Oo; at narito ang kanyang anak na si Raquel na dumarating kasama ang mga tupa!"
Subalit sinabi nila, "Hindi namin magagawa hangga't hindi natitipong lahat ang kawan, at maigulong ang bato mula sa labi ng balon; at saka lamang namin paiinumin ang mga tupa."
Nang makita ni Jacob si Raquel na anak ni Laban, na kapatid ng kanyang ina, at ang mga tupa ni Laban, lumapit si Jacob at iginulong ang bato mula sa labi ng balon at pinainom ang kawan ni Laban.
Nang marinig ni Laban ang balita ni Jacob na anak ng kanyang kapatid, tumakbo siya upang salubungin si Jacob at ito ay kanyang niyakap, hinagkan, at dinala sa kanyang bahay. Isinalaysay ni Jacob kay Laban ang lahat ng mga bagay na ito at
At sinabi ni Laban kay Jacob, "Hindi ba't ikaw ay aking kamag-anak? Dapat ka bang maglingkod sa akin nang walang upa? Sabihin mo sa akin, ano ang magiging upa mo?"
Kinaumagahan, si Lea pala iyon! At kanyang sinabi kay Laban, "Ano itong ginawa mo sa akin? Hindi ba pinaglingkuran kita dahil kay Raquel? Bakit mo ako dinaya?"
Naglihi si Lea at nanganak ng isang lalaki, at tinawag niyang Ruben;" sapagkat kanyang sinabi, "Sapagkat tiningnan ng PANGINOON ang aking kapighatian; kaya't ngayo'y mamahalin ako ng aking asawa."
Muli siyang naglihi at nanganak ng isang lalaki at sinabi, "Sapagkat narinig ng PANGINOON na ako'y kinapopootan, ibinigay rin niya sa akin ito"; at tinawag niyang Simeon."
Muli siyang naglihi at nanganak ng isang lalaki, at nagsabi, "Ngayo'y makakasama ko na ang aking asawa, sapagkat nagkaanak ako sa kanya ng tatlong lalaki"; kaya't ang kanyang pangalan ay Levi."
At muli siyang naglihi at nanganak ng isang lalaki, at nagsabi, "Ngayo'y pupurihin ko ang PANGINOON." Kaya't tinawag niyang Juda; at hindi na siya nanganak.