At sinabi ng Dios kay Jacob, Tumindig ka, umahon ka sa Bethel, at tumahan ka roon; at gumawa ka roon ng isang dambana sa Dios na napakita sa iyo nang ikaw ay tumatakas mula sa harap ng iyong kapatid na si Esau.
Nang magkagayoy sinabi ni Jacob sa kaniyang sangbahayan, at sa lahat niyang kasama. Ihiwalay ninyo ang mga dios ng iba na nangasa inyo, at magpakalinis kayo, at magbago kayo ng inyong mga suot:
At tayoy magsitindig at magsisampa tayo sa Bethel; at gagawa ako roon ng dambana sa Dios na sumagot sa akin sa araw ng aking kahapisan, at sumaakin sa daan na aking nilakaran.
At kanilang ibinigay kay Jacob ang lahat ng ibang pinaka dios na nasa kamay nila, at ang mga hikaw na nasa kanilang mga tainga; at itinago ni Jacob sa ilalim ng punong encina na malapit sa Sichem.
At siyay nagtayo roon ng isang dambana at tinawag niya ang dakong yaon na El-beth-el; sapagkat ang Dios ay napakita sa kaniya roon, nang siyay tumatakas sa harap ng kaniyang kapatid.
At sinabi sa kaniya ng Dios, Ang pangalan moy Jacob; ang pangalan moy hindi na tatawagin pang Jacob kundi Israel ang itatawag sa iyo: at tinawag ang kaniyang pangalan na Israel.
At sinabi sa kaniya ng Dios, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat; ikaw ay lumago at dumami ka; isang bansa at isang kapisanan ng mga bansa ang magmumula sa iyo, at mga hari ay lalabas sa iyong balakang;
At si Jacob ay nagtayo ng isang batong pinakaalaala sa dakong pinakipagusapan sa kaniya ng Dios, haliging bato: at binuhusan niya ng isang inuming handog at binuhusan niya ng langis.
At nangyari, nang siyay naghihirap sa panganganak, na sinabi sa kaniya ng hilot, Huwag kang matakot, sapagkat magkakaroon ka ng isa pang anak na lalake.
At nangyari, nang nalalagot ang kaniyang hininga (sapagkat namatay siya), ay kaniyang pinanganlang Benoni: datapuwat pinanganlan ng kaniyang ama na Benjamin.
At nangyari, samantalang tumatahan si Israel sa lupaing yaon, na si Ruben ay yumaon at sumiping kay Bilha, na babae ng kaniyang ama; at itoy nabalitaan ni Israel. Labing dalawa nga ang anak na lalake ni Jacob.
At nalagot ang hininga ni Isaac at namatay, at siyay nalakip sa kaniyang bayan, matanda at puspos ng mga araw: at inilibing siya ng kaniyang mga anak na si Esau at si Jacob.