Kung ikaw ay gumawa ng mabuti, hindi ka ba tatanggapin? At kung hindi ka gumawa ng mabuti, ang kasalanan ang nag-aabang sa pintuan. Ikaw ang nais nito, subalit kailangang madaig mo ito!"
Sinabihan ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel, at nangyari nang sila'y nasa parang, tumindig si Cain laban kay Abel na kanyang kapatid, at ito'y kanyang pinatay.
Ako ngayo'y itinataboy mo mula sa ibabaw ng lupa, at ako'y maikukubli sa iyong mukha. Ako'y magiging palaboy at pagala-gala, sinumang makakita sa akin ay papatayin ako."
At sinabi sa kanya ng PANGINOON, "Hindi! Sinumang pumatay kay Cain ay pitong ulit na gagantihan." At nilagyan ng PANGINOON ng isahg tanda si Cain upang huwag siyang patayin ng sinumang makakita sa kanya.
Sumiping si Cain sa kanyang asawa, at siya'y naglihi at ipinanganak si Enoc. Siya'y nagtayo ng isang lunsod at tinawag ang lunsod ayon sa pangalan ng kanyang anak na si Enoc.
At sinabi ni Lamec sa kanyang mga asawa, "Ada at Zilla, pakinggan ninyo ang aking tinig. Kayong mga asawa ni Lamec ay makinig sa aking mga salita. Pumatay ako ng isang tao, dahil sa pagsugat sa akin, at ng isang binata, dahil sa ako'y sinaktan.
Muling nakilala ni Adan ang kanyang asawa at siya'y nanganak ng isang lalaki, at tinawag ang kanyang pangalan na Set; sapagkat kanyang sinabi, "Binigyan ako ng Diyos ng ibang anak na kahalili ni Abel, sapagkat siya'y pinatay ni Cain."
Nagkaanak din si Set ng isang lalaki, at tinawag ang kanyang pangalan na Enos. Nang panahong iyon ang mga tao ay nagsimulang tumawag sa pangalan ng PANGINOON: