At nangyari, nang ikatlong araw na, may isang lalaking lumabas sa kampo mula kay Saul na punit ang damit at may lupa sa kanyang ulo. Kaya nga nang dumating siya kay David, siya ay nagpatirapa sa lupa at nagbigay-galang.
Sinabi ni David sa kanya, "Ano ang nangyari? Sabihin mo sa akin." At siya'y sumagot, "Ang taong-bayan ay tumakas sa labanan, at marami sa mga tao ay nabuwal at namatay, si Saul at si Jonathan na kanyang anak ay patay na rin."
Sinabi ng binatang nagbalita sa kanya, "Nagkataong ako ay nasa bundok ng Gilboa at naroroon si Saul na nakasubsob sa kanyang sibat samantalang papalapit sa kanya ang mga karwahe at mga mangangabayo.
Kaya't tumayo ako sa tabi niya at pinatay ko siya, sapagkat nakakatiyak ako na siya'y hindi mabubuhay pagkatapos na siya'y nabuwal. At kinuha ko ang korona na nasa kanyang ulo at ang pulseras na nasa kanyang kamay, at dinala ko rito sa aking panginoon."
Sila'y nagluksa, umiyak, at nag-ayuno hanggang sa paglubog ng araw dahil kay Saul at kay Jonathan na kanyang anak, dahil sa bayan ng PANGINOON, at sa sambahayan ng Israel, sapagkat sila'y namatay sa pamamagitan ng tabak.
Sinabi ni David sa kanya, 'Ang iyong dugo ay mapasaiyong ulo sapagkat ang iyong bibig ang sumaksi laban sa iyo, na nagsasabi, Aking pinatay ang hinirang ng PANGINOON.' "
Huwag ninyong sabihin sa Gat, huwag ninyong ibalita sa mga lansangan ng Ascalon; baka ang mga anak na babae ng mga Filisteo ay magalak, baka ang mga anak na babae ng mga di-tuli ay magsaya.
"Kayong mga bundok ng Gilboa, huwag magkaroon ng hamog, o ulan sa inyo, kahit masasaganang bukid, sapagkat doon ang kalasag ng magiting ay narumihan, ang kalasag ni Saul na hindi binuhusan ng langis.
"Sina Saul at Jonathan, minamahal at kaibig-ibig! Sa buhay at sa kamatayan ay hindi sila nagkahiwalay; sila'y higit na maliliksi kaysa mga agila, sila'y higit na malalakas kaysa mga leon.
"Kayong mga anak na babae ng Israel, iyakan ninyo si Saul, na sa inyo'y nagbihis ng matingkad na pula, na siyang naglagay ng palamuting ginto sa inyong mga kasuotan.
Ako'y namamanglaw dahil sa iyo, kapatid kong Jonathan; ikaw ay naging kalugud-lugod sa akin; ang iyong pagmamahal sa akin ay kahanga-hanga, higit pa sa pagmamahal ng mga babae.