Sa gayon ang buong Israel ay itinala ayon sa mga talaan ng angkan; at sila'y nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Israel. At ang Juda ay naging bihag sa Babilonia dahil sa kanilang pagtataksil.
at ang kanilang mga kapatid, ayon sa kanilang mga lahi ay siyam-naraan at limampu't anim. Lahat ng mga lalaking ito ay mga puno sa mga sambahayan ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang.
si Adaya na anak ni Jeroham, na anak ni Pashur, na anak ni Malkia, at si Mahsai na anak ni Adiel, na anak ni Jazera, na anak ni Mesulam, na anak ni Mesillemith, na anak ni Imer;
bukod sa kanilang mga kapatid, mga puno sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang, na isang libo at pitong daan at animnapu. Sila'y mga lalaking may kakayahan sa gawaing paglilingkod sa bahay ng Diyos.
at si Obadias na anak ni Shemaya, na anak ni Galal, na anak ni Jedutun, at si Berequias na anak ni Asa na anak ni Elkana, na nanirahan sa mga nayon ng mga Netofatita.
Si Shallum na anak ni Kora, na anak ni Abiasat, na anak ni Kora, at ang kanyang mga kapatid, sa sambahayan ng kanyang magulang, ang mga Korahita, ang namamahala sa gawaing paglilingkod, mga tagapag-bantay ng mga pintuang-daan ng tolda, kung paanong ang kanilang mga ninuno ay mga tagapamahala sa kampo ng PANGINOON, na mga bantay ngpasukan.
Lahat ng mga ito na pinili upang maging mga bantay sa pinto sa mga tarangkahan ay dalawandaan at labindalawa. Ang mga ito'y itinalaga ayon sa talaan ng lahi sa kanilang mga nayon na siyang pinagkatiwalaan sa kanilang katungkulan nina David at ni Samuel na tagakita ng pangitain.
Ang ilan sa kanila ay nangangasiwa sa mga kasangkapan na ginagamit sa paglilingkod, sapagkat kailangan nilang bilangin ang mga ito kapag ipinapasok at inilalabas.
Ang iba sa kanila ay itinalaga sa kasangkapan, sa lahat ng mga banal na kasangkapan, sa piling harina, sa alak, sa langis, at sa insenso, at sa mga pabango.
Ang mga ito ang mga mang-aawit, mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang ng mga Levita, na naninirahan sa mga silid at malaya sa ibang katungkulan, sapagkat sila'y naglilingkod araw at gabi.
Si Asel ay nagkaroon ng anim na anak, ito ang kanilang mga pangalan: Azricam, Bocru, Ismael, Seraia, Obadias, at Hanan. Ang mga ito ang mga naging anak ni Asel.