×

Ang Salita ng Dios

Ezra 2

1
Ang mga sumusunod ay ang mga Israelita sa probinsya ng Juda na binihag noon ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia. Ngayon umalis na sila sa lugar na iyon at bumalik na sa Jerusalem at sa sarili nilang mga bayan sa Juda.
2
Ang mga namuno sa pagbalik nila sa Jerusalem ay sina Zerubabel, Jeshua, Nehemias, Seraya, Reelaya, Mordecai, Bilshan, Mispar, Bigvai, Rehum, at Baana. Ito ang talaan ng mga mamamayan ng Israel na bumalik mula sa pagkabihag:
Tagalog Bible 2015
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc
:
I-save ang Mga Tala