|
| 1 |
|
| “Kinasusuklaman ko ang buhay ko, kaya dadaing ako hanggaʼt gusto ko. Sasabihin ko ang aking sama ng loob. |
|
| 2 |
|
| Ito ang sasabihin ko sa Dios: ‘Huwag nʼyo akong hatulan na masama ako. Sabihin nʼyo sa akin kung ano ang kasalanan ko sa inyo. |
|
| 3 |
|
| Natutuwa ba kayo na pinahihirapan nʼyo ako? Bakit nʼyo itinatakwil ang inyong nilikha, at sinasang-ayunan naman ang binabalak ng masama? |
|
| 4 |
|
| Ang paningin nʼyo baʼy tulad ng paningin ng tao? |
|
| 5 |
|
| Ang buhay nʼyo baʼy kasing-ikli ng buhay ng tao? |
|
| 6 |
|
| Bakit pilit nʼyo akong hinahanapan ng kasalanan? |
|
| 7 |
|
| Alam nʼyong wala akong kasalanan, pero sino ang makapagtatanggol sa akin mula sa inyong kamay? |
|
| 8 |
|
| “ ‘Kayo ang gumawa at humubog sa akin, at ngayon kayo rin ang sisira sa akin. |
|
| 9 |
|
| Alalahanin ninyong akoʼy hinubog nʼyo mula sa lupa at ngayon baʼy ibabalik nʼyo na ako sa lupa? |
|
| 10 |
|
| Hindi baʼt kayo ang humubog sa akin mula sa sinapupunan ng aking ina na parang keso na hinubog mula sa gatas? |
|
| 11 |
|
| Binuo nʼyo ang aking mga buto at litid, at saka binalutan ng laman at balat. |
|
| 12 |
|
| Pagkatapos, binigyan nʼyo ako ng buhay, pinakitaan ng kabutihan at iningatan. |
|
| 13 |
|
| Pero nalaman ko na ang tunay ninyong plano sa akin |
|
| 14 |
|
| ay ang bantayan ako kung magkakasala ako at kapag nangyari iyon, hindi nʼyo ako patatawarin. |
|
| 15 |
|
| Nagkasala man ako o hindi, pareho lang naman na nakakaawa ako, dahil sa labis na kahihiyan at paghihirap na dinaranas ko. |
|
| 16 |
|
| Pinagsisikapan kong bumangon, pero para kayong leon na nakaabang sa akin. Ginagamit nʼyo ang inyong kapangyarihan laban sa akin. |
|
| 17 |
|
| Patuloy nʼyo akong isinasakdal at lalo kayong nagagalit sa akin. Walang tigil nʼyo akong nilulusob. |
|
| 18 |
|
| “ ‘Bakit niloob nʼyo pa na isilang ako? Sanaʼy namatay na lang ako at wala nang nakakita sa akin. |
|
| 19 |
|
| Hindi na lang sana ako nilikha. Namatay na lang sana ako bago isinilang at itinuloy sa libingan. |
|
| 20 |
|
| Maikling panahon na lang ang natitira sa akin, kaya hayaan nʼyo na lang ako para kahit saglit man lang ay sumaya naman ako, |
|
| 21 |
|
| bago ako pumunta sa lugar na malungkot at madilim, at hindi na ako makakabalik pa rito. |
|
| 22 |
|
| Napakadilim sa lugar na iyon; palaging gabi at walang liwanag, at naghahari doon ang kaguluhan.’ ” |
|
|
|
|