|
| 1 |
|
| Ang sagot ni Job: |
|
| 2 |
|
| “Walang duda na ikaw ang tinig ng bayan; kapag ika'y namatay, karunungan ay kasama mong papanaw. |
|
| 3 |
|
| Kung may pang-unawa ka, ako'y mayroon din, di mo masasabing higit ka kaysa akin, lahat ng sinabi mo'y nalalaman ko rin. |
|
| 4 |
|
| Pinagtatawanan ako ngayon ng aking mga kaibigan, kahit ako ay matuwid at walang kasalanan, minsan din nama'y sinagot ng Diyos ang aking kahilingan. |
|
| 5 |
|
| Maginhawa ka ngayon, ngunit ako'y iyong kinukutya, hinahampas mo ang isang taong babagsak na sa hina. |
|
| 6 |
|
| Ang mga tulisan at masasamang tao'y panatag ang buhay, kahit ang dinidiyos nila ay ang lakas nilang taglay. |
|
| 7 |
|
| “Sa mga hayop at mga ibon ika'y may matututunan, magtanong ka sa kanila, at ikaw ay tuturuan. |
|
| 8 |
|
| Kausapin mo ang lupa at ikaw ay tuturuan, magpapahayag sa iyo ang mga isda sa karagatan. |
|
| 9 |
|
| Silang lahat ay nakakaalam na ang Diyos ang sa kanila'y lumalang. |
|
| 10 |
|
| Ang Diyos ang nagpapagalaw sa lahat ng bagay, ang buhay ng bawat isa ay nasa kanyang mga kamay. |
|
| 11 |
|
| Nalalasahan ng dila ang mga pagkain, naririnig ng tainga ang salitang dumarating. |
|
| 12 |
|
| “Ang matatanda ay may taglay na karunungan, pinalawak ang unawa sa haba ng karanasan. |
|
| 13 |
|
| Ngunit likas sa Diyos ang kaalaman at kapangyarihan, taglay niya'y karunungan at katalinuhan. |
|
| 14 |
|
| Walang makakapagtayo muli ng kanyang giniba, sinumang ikulong niya'y walang makakapagpalaya. |
|
| 15 |
|
| Nagkakaroon ng tagtuyot kapag pinigilan niya ang ulan, dumarating ang baha kapag tubig ay kanyang pinakawalan. |
|
| 16 |
|
| “Makapangyarihan siya at laging nagtatagumpay, ang mandaraya at dinadaya ay nasa kanyang mga kamay. |
|
| 17 |
|
| Inaalis niya sa mga pinuno ang taglay nilang dunong, ginagawa niyang hangal ang mga hukom. |
|
| 18 |
|
| Inaalis niya sa mga hari ang pamamahala, at sila'y ginagapos niya ng mga tanikala. |
|
| 19 |
|
| Maging mga pari'y kanyang hinihiya, mga nasa kapangyarihan kanyang ibinababâ. |
|
| 20 |
|
| Mga pinagkakatiwalaang tao'y kanyang pinatatahimik, talino ng matatanda'y kanya ring inaalis. |
|
| 21 |
|
| Mga pinuno'y inilalagay niya sa kahihiyan, mga namamahala'y inaalisan niya ng kalakasan. |
|
| 22 |
|
| Pinakamalalim na hiwaga'y kanyang inihahayag, maitim na kadilima'y pinapalitan niya ng liwanag. |
|
| 23 |
|
| Mga bansa'y pinapalakas niya't pinapalawak, ngunit kanya ring ginagapi at tuloy winawasak. |
|
| 24 |
|
| Karunungan ng mga hari'y ginagawang kahangalan, sa pagpapasya'y nalilito, di alam ang pupuntahan. |
|
| 25 |
|
| Sa dilim sila'y nangangapa, sa paglakad ay naliligaw, animo'y mga lasing, sa daan ay sumusuray. |
|
|
|
|