|
| 1 |
|
| Sumagot si Job, |
|
| 2 |
|
| “Ang akala nʼyo baʼy kayo lang ang marunong at wala nang matitirang marunong kapag namatay kayo? |
|
| 3 |
|
| Ako man ay marunong din gaya ninyo; hindi kayo nakahihigit sa akin. Alam ko rin ang lahat ng sinasabi ninyo. |
|
| 4 |
|
| Pero naging katawa-tawa ako sa aking mga kaibigan, kahit na matuwid ako at walang kapintasan, at kahit sinagot ng Dios ang mga dalangin ko noon. |
|
| 5 |
|
| Ang mga taong naghihirap na gaya ko na tila mabubuwal ay kinukutya ng mga taong walang problema. |
|
| 6 |
|
| Pero ang mga tulisan at ang mga taong ginagalit ang Dios ay namumuhay ng payapa gayong ang dinidios nilaʼy ang sarili nilang kakayahan. |
|
| 7 |
|
| “Matututo ka sa ibaʼt ibang hayop – ang lumalakad, lumilipad, gumagapang, at ang lumalangoy. |
|
| 8 |
|
|
|
| 9 |
|
| Sapagkat alam nila na ang Panginoon ang may gawa nito. |
|
| 10 |
|
| Nasa kamay niya ang buhay o hininga ng bawat nilalang, pati na ng tao. |
|
| 11 |
|
| Kung alam ng dila ng tao kung alin ang masarap o hindi masarap na pagkain, alam din ng tainga ng tao kung alin ang mabuti o masamang salita. |
|
| 12 |
|
| Maraming alam sa buhay ang matatanda, dahil habang tumatagal ang buhay nila, lalong dumarami ang kanilang nalalaman. |
|
| 13 |
|
| “ Pero ang Dios ay hindi lang nagtataglay ng karunungan, nasa kanya rin ang kapangyarihan, at siya lang ang nakakaunawa kung ano ang dapat gawin. |
|
| 14 |
|
| Walang makapag-aayos ng kanyang sinisira, at walang makapagpapalaya sa kanyang ikinukulong. |
|
| 15 |
|
| Kung pipigilin niya ang ulan, matutuyo ang lupa, at kung ibubuhos naman niya ito, babahain ang lupa. |
|
| 16 |
|
| Makapangyarihan siyaʼt matagumpay, at nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan ang mandaraya at ang dinadaya. |
|
| 17 |
|
| Inaalisan niya ng karunungan ang mga tagapayo, at ginagawang mangmang ang mga hukom. |
|
| 18 |
|
| Pinaaalis niya ang mga hari sa kanilang trono at ipinabibihag. |
|
| 19 |
|
| Tinatanggal niya sa tungkulin ang mga pari at ang mga taong may kapangyarihan. |
|
| 20 |
|
| Pinatatahimik niya ang mga pinagkakatiwalaang tagapayo at inaalis ang karunungan ng matatanda. |
|
| 21 |
|
| Hinahamak niya ang mga mararangal na tao at inaalisan ng kakayahan ang mga may kapangyarihan. |
|
| 22 |
|
| Ang mga lihim ay kanyang inihahayag, at ang madilim ay pinapalitan ng liwanag. |
|
| 23 |
|
| Pinalalakas niya ang mga bansa at pinapalawak ang kanilang teritoryo, pero ibinabagsak din niya ito at winawasak. |
|
| 24 |
|
| Ginagawa niyang mangmang ang kanilang mga pinuno at inililigaw sila sa ilang. |
|
| 25 |
|
| Kaya para silang bulag na kumakapa sa dilim at sumusuray-suray na parang lasing. |
|
|
|
|