|
| 1 |
|
| “Lahat ng sinabi mo ay narinig ko na rin, |
|
| 2 |
|
| Ang alam mo'y alam ko rin, hindi ka higit sa akin. |
|
| 3 |
|
| Hindi kayo ang kausap ko kundi ang Diyos na Makapangyarihan, sa kanya ko idudulog itong aking kalagayan. |
|
| 4 |
|
| Ngunit kayo'y mga sinungaling, tulad ninyo'y manggagamot, na walang kayang pagalingin. |
|
| 5 |
|
| Tumahimik na lamang sana kayo, baka akalain pa ng iba na kayo'y matalino. |
|
| 6 |
|
| Pakinggan ninyo ngayon ang aking sasabihin, at ang aking panig ay inyong unawain. |
|
| 7 |
|
| Bakit ba kayo'y nagsasalita ng di katotohanan? Makatutulong ba sa Diyos ang inyong kasinungalingan? |
|
| 8 |
|
| Kayo ba ang tatayo at siya ay ipaglalaban? Kayo ba ang magtatanggol sa kanyang kalagayan? |
|
| 9 |
|
| Kung siyasatin kayo ng Diyos, ano kaya ang makikita, siya ba'y inyong madadayang tulad ng iba? |
|
| 10 |
|
| Tiyak na siya'y magagalit, kayo ay pagsasabihan, kahit pa lihim na mayroon kayong kinikilingan. |
|
| 11 |
|
| Sasakmalin kayo ng takot pagkat siya'y makapangyarihan. |
|
| 12 |
|
| Mga kasabihan ninyo'y walang silbi tulad ng abo, singhina ng putik ang mga katuwiran ninyo. |
|
| 13 |
|
| “Tumahimik na lang kayo at ako'y pasalitain, hayaang mangyari ang mangyayari sa akin. |
|
| 14 |
|
| Nakahanda akong itaya ang buhay kong angkin. |
|
| 15 |
|
| Hindi ako natatakot kung ako man ay patayin, maiharap lamang sa kanya itong aking usapin. |
|
| 16 |
|
| Maaaring iligtas ako ng aking katapangan, sapagkat wala namang masamang tao na makakaharap sa Maykapal. |
|
| 17 |
|
| Pakinggan mong mabuti itong aking sasabihin, itong paliwanag ko ay iyong unawain. |
|
| 18 |
|
| Nakahanda akong ilahad ang aking panig, sapagkat alam ko namang ako ay nasa katuwiran. |
|
| 19 |
|
| “O Diyos, lalapit ka ba upang ako'y usigin? Kung gayon, handa akong manahimik at mamatay. |
|
| 20 |
|
| Mayroon akong dalawang kahilingan, at ako'y di magtatago kung iyong papayagan. |
|
| 21 |
|
| Itigil mo na itong pagpaparusa sa akin, at sa takot ay huwag mo akong patayin. |
|
| 22 |
|
| “Magsalita ka, at aking tutugunin, o kaya'y sagutin mo ang aking sasabihin. |
|
| 23 |
|
| Saan ba ako nagkamali, ano ba ang aking kasalanan? Pagkakasala ko'y maaari ko bang malaman? |
|
| 24 |
|
| “Bakit ako'y iyong pinagtataguan? Bakit itinuturing mo akong isang kaaway? |
|
| 25 |
|
| Para akong isang dahon, huwag mo na akong takutin, ang katulad ko'y ipa, na tinatangay ng hangin. |
|
| 26 |
|
| Kay pait naman ng iyong mga paratang, kasalanan ko noong ako'y bata iyo pang ibinibilang. |
|
| 27 |
|
| Itong aking mga paa'y nilagyan pa ng gapos, tinitingnan, sinusuri ang aking bawat kilos. |
|
| 28 |
|
| Kaya't ako'y parang kahoy na nabubulok, parang damit na nasisira, unti-unting nauubos. |
|
|
|
|