|
| 1 |
|
| Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata, ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa. |
|
| 2 |
|
| Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman: hindi ako huli sa inyo. |
|
| 3 |
|
| Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat, at nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios. |
|
| 4 |
|
| Nguni't kayo'y mapagkatha ng mga kabulaanan. Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan. |
|
| 5 |
|
| Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat! At magiging inyong karunungan. |
|
| 6 |
|
| Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran, at inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi. |
|
| 7 |
|
| Kayo ba'y mangagsasalita ng kalikuan dahil sa Dios, at mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya? |
|
| 8 |
|
| Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios? Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios? |
|
| 9 |
|
| Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya? O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya? |
|
| 10 |
|
| Walang pagsalang sasawayin niya kayo, kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao. |
|
| 11 |
|
| Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan, at ang gulat sa kaniya ay sasa inyo? |
|
| 12 |
|
| Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang abo, ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik. |
|
| 13 |
|
| Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita, at paratingin sa akin ang darating. |
|
| 14 |
|
| Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman, at aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay? |
|
| 15 |
|
| Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin siya: gayon ma'y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya. |
|
| 16 |
|
| Ito man ay magiging aking kaligtasan; sapagka't ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya. |
|
| 17 |
|
| Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita, at ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig. |
|
| 18 |
|
| Narito, ngayon, aking inayos ang aking usap; talastas ko na ako'y matuwid. |
|
| 19 |
|
| Sino ang makikipagtalo sa akin? Sapagka't ngayo'y tatahimik ako at malalagot ang aking hininga. |
|
| 20 |
|
| Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin, kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha: |
|
| 21 |
|
| Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin; at huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo. |
|
| 22 |
|
| Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot; o papagsalitain mo ako, at sumagot ka sa akin. |
|
| 23 |
|
| Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan? Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan. |
|
| 24 |
|
| Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha, at inaari mo akong iyong kaaway? |
|
| 25 |
|
| Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin? At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo? |
|
| 26 |
|
| Sapagka't ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin, at ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan: |
|
| 27 |
|
| Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan, at pinupuna mo ang lahat kong landas: ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa: |
|
| 28 |
|
| Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw, na parang damit na kinain ng tanga. |
|
|
|
|