|
| 1 |
|
| “Ang buhay ng tao'y maikli lamang, subalit punung-puno ng kahirapan. |
|
| 2 |
|
| Tulad ng bulaklak na namumukadkad, nalalanta at nalalagas, parang aninong nagdaraan, naglalaho at napaparam. |
|
| 3 |
|
| Titingnan mo pa ba ang ganitong nilalang? Dadalhin mo pa ba siya sa hukuman? |
|
| 4 |
|
| Mayroon bang malinis na magmumula, sa taong marumi at masama? |
|
| 5 |
|
| Sa simula pa'y itinakda na ang kanyang araw, at bilang na rin ang kanyang mga buwan, nilagyan mo na siya ng hangganan na hindi niya kayang lampasan. |
|
| 6 |
|
| Lubayan mo na siya at pabayaan, nang makatikim naman kahit kaunting kaginhawahan. |
|
| 7 |
|
| “Kahoy na pinutol ay may pag-asa, muli itong tutubo at magsasanga. |
|
| 8 |
|
| Kahit pa ang ugat nito ay matanda na, at mamatay ang puno sa kinatatamnan niya, |
|
| 9 |
|
| ngunit ito'y nag-uusbong kapag diniligan, ito'y magsasanga tulad ng batang halaman. |
|
| 10 |
|
| Ngunit ang tao kapag namatay, iyon na ang kanyang katapusan, pagkalagot ng kanyang hininga, saan naman kaya siya pupunta? |
|
| 11 |
|
| “Tulad ng ilog na tumigil sa pag-agos, at gaya ng lawa na ang tubig ay naubos. |
|
| 12 |
|
| Ngunit ang tao kapag namatay hindi na babangon hanggang ang langit ay maparam. |
|
| 13 |
|
| Itago mo na sana ako sa daigdig ng mga patay, hanggang sa ang poot mo'y mapawi nang lubusan, at muli mong maalala ang aking kalagayan. |
|
| 14 |
|
| Kung ang tao ay mamatay, siya kaya'y muling mabubuhay? Ngunit para sa akin, paglaya ko sa hirap ay aking hihintayin. |
|
| 15 |
|
| Ikaw ay tatawag at ako'y sasagot, sa iyong nilikha, ikaw ay malulugod. |
|
| 16 |
|
| Kung magkagayon, bawat hakbang ko'y iyong babantayan, di mo na tatandaan ang aking mga kasalanan. |
|
| 17 |
|
| Ang mga kasalanan ko'y iyong patatawarin, lahat ng kasamaan ko'y iyong papawiin. |
|
| 18 |
|
| “Darating ang araw na guguho ang kabundukan, malilipat ng lugar mga batong naglalakihan. |
|
| 19 |
|
| Sa buhos ng tubig, ang bato ay naaagnas, ang lupang matigas sa baha ay natitibag, gayon ang pag-asa ng tao, kapag iyong winasak. |
|
| 20 |
|
| Nilulupig mo ang tao at tuluyang naglalaho, sa sandali ng kamatayan nagbabago ang kanyang anyo. |
|
| 21 |
|
| Anak man niya'y parangalan, hindi na niya malalaman, hindi na rin mababatid kung bigyan silang kahihiyan. |
|
| 22 |
|
| Ang kanya lamang nadarama ay sakit ng sariling katawan, ang tanging iniisip ay ang sariling kalungkutan.” |
|
|
|
|