|
| 1 |
|
| Ang sagot ni Elifaz na taga-Teman, |
|
| 2 |
|
| “Mga salita mo'y pawang kahangalan, ang sinasabi mo ay parang hangin lang. |
|
| 3 |
|
| Ang sinasabi mo'y salita ng isang hangal, di ka maililigtas ng salitang walang saysay. |
|
| 4 |
|
| Kung ikaw ang masusunod, wala nang matatakot sa Diyos, at nais mong hadlangan ang sa kanya'y dumudulog. |
|
| 5 |
|
| Kasamaan mo'y nahahalata sa iyong mga salita, nais mo pang magtago sa mga salitang may daya. |
|
| 6 |
|
| Kaya nga ang humahatol sa iyo ay hindi ako, salita mong binibigkas ang humatol sa iyo. |
|
| 7 |
|
| “Akala mo ba'y ikaw ang unang taong isinilang? Nauna ka pa ba sa mga kabundukan? |
|
| 8 |
|
| Naroon ka ba nang sabihin ng Diyos ang kanyang plano, o sa palagay mo'y ikaw lang ang may talino? |
|
| 9 |
|
| Ano ba ang alam mo na di namin nalalaman? Lahat ng naiintindihan mo'y amin ding nauunawaan. |
|
| 10 |
|
| Ang mga may uban sa buhok ay aming kasama, mga taong matatanda pa sa iyong ama. |
|
| 11 |
|
| “Inaaliw ka ng Diyos ngunit ayaw mong pansinin, ang banayad naming payo na sa puso nanggagaling. |
|
| 12 |
|
| Bakit nagmamatigas pa, ipinipilit ang sarili? Mga mata'y nanlilisik, kapag tinitingnan kami. |
|
| 13 |
|
| Bakit ba ang galit mo'y sa Diyos ibinubunton at sa kanya iniuukol ang salitang walang hinahon? |
|
| 14 |
|
| “Sino ba ang walang sala, at malinis na lubos? Sinong isinilang na matuwid sa harap ng Diyos? |
|
| 15 |
|
| Kung doon sa mga anghel, tiwala ng Diyos ay di lubusan, kahit silang nasa langit ay mayroon ding pagkukulang. |
|
| 16 |
|
| Gaano pa kaya ang taong nasanay sa kasamaan, laging uhaw sa masama at hindi tama. |
|
| 17 |
|
| “Makinig ka at sa iyo'y aking sasabihin, ang lahat ng nakita ko at naabot ng paningin. |
|
| 18 |
|
| Mga taong matatalino ang sa akin ay nagturo, mga katotohanang inilahad ng kanilang mga ninuno. |
|
| 19 |
|
| Ang lupain ay sa kanila lamang ibinigay at walang dayuhan na sa kanila'y nakipanirahan. |
|
| 20 |
|
| “Ang taong mapang-api at puno ng kasamaan, laging nasa ligalig habang siya'y nabubuhay. |
|
| 21 |
|
| Lagi siyang makakarinig nakakatakot na tinig, papasukin siya ng tulisan kung kailan siya'y tahimik. |
|
| 22 |
|
| Hindi siya makakatakas sa lagim ng kamatayan pagkat mayroong tabak na sa kanya'y nag-aabang. |
|
| 23 |
|
| Mga buwitre'y naghihintay upang kainin ang kanyang bangkay, alam niyang madilim ang kanyang kinabukasan. |
|
| 24 |
|
| Takot ang naghahari sa buo niyang katauhan, parang laging hinahabol ng haring makapangyarihan. |
|
| 25 |
|
| “Ganito ang sasapitin ng taong nagyayabang at ng humahamon sa Diyos na Makapangyarihan. |
|
| 26 |
|
| Ipinagmamalaki pa ang ginagawang pagsuway at ang palagi niyang hawak ay kanyang kalasag, at ang hangad ay habulin at labanan ang Maykapal. |
|
| 27 |
|
|
|
| 28 |
|
| Siya ay nanakop ng maraming bayan, mga bahay na nilisan ay kanyang kinamkam, ngunit mga iyon ay mawawasak pagdating ng digmaan. |
|
| 29 |
|
| Ang kayamanan niya ay hindi magtatagal, maging ang buhay niya'y madali ring papanaw. |
|
| 30 |
|
| Sa gitna ng dilim siya'y makukubkob, siya'y matutulad sa punongkahoy na nasunog, na ang bulaklak ay tinatangay ng hangin. |
|
| 31 |
|
| Dahil nagtiwala siya sa kahangalan, kahangalan din ang kanyang kabayaran. |
|
| 32 |
|
| Maaga niyang tatanggapin ang kanyang kabayaran, tulad ng sangang nalanta, di na muling mananariwa. |
|
| 33 |
|
| Makakatulad niya'y ubas na kahit hilaw na bunga'y nalalagas, at tulad ng olibo na ang mga bulaklak ay nalalaglag. |
|
| 34 |
|
| Walang matitira sa lahi ng masama, masusunog ang bahay na sa suhol nagmula. |
|
| 35 |
|
| Ganyan ang mga taong nagbabalak ng kasamaan, pandaraya ang palaging nasa puso at isipan.” |
|
|
|
|