|
| 1 |
|
| Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi, |
|
| 2 |
|
| Sasagot ba ang isang pantas ng walang kabuluhang kaalaman, at pupunuin ang kaniyang tiyan ng hanging silanganan? |
|
| 3 |
|
| Makikipagmatuwiranan ba siya ng walang kapakinabangang pangungusap, o ng mga salita na hindi niya ikagagawa ng mabuti? |
|
| 4 |
|
| Oo, ikaw ay nagaalis ng katakutan, at iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios. |
|
| 5 |
|
| Sapagka't ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig, at iyong pinipili ang dila ng mapagkatha. |
|
| 6 |
|
| Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo, at hindi ako; Oo, ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo. |
|
| 7 |
|
| Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak? O nalabas ka bang una kay sa mga burol? |
|
| 8 |
|
| Iyo bang narinig ang lihim na payo ng Dios? At ikaw ba'y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili? |
|
| 9 |
|
| Anong nalalaman mo na di namin nalalaman? Anong nauunawa mo na wala sa amin? |
|
| 10 |
|
| Kasama namin ay mga ulong may uban, at mga totoong napakatandang tao, matandang makapupo kay sa iyong ama. |
|
| 11 |
|
| Ang mga pagaliw ba ng Dios ay totoong kaunti pa sa ganang iyo, sa makatuwid baga'y ang salitang napakabuti sa iyo? |
|
| 12 |
|
| Bakit ka napadadala sa iyong puso? At bakit kumikindat ang iyong mga mata? |
|
| 13 |
|
| Na tinatalikdan mo ng iyong diwa ang Dios, at binibigkas mo ang ganyang mga salita sa iyong bibig. |
|
| 14 |
|
| Ano ang tao upang maging malinis? At siyang ipinanganak ng babae, upang siya'y maging matuwid? |
|
| 15 |
|
| Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga banal; Oo, ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin. |
|
| 16 |
|
| Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak, ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig! |
|
| 17 |
|
| Ipakikilala ko sa iyo, dinggin mo ako; at ang aking nakita ay aking ipahahayag: |
|
| 18 |
|
| (Ang isinaysay ng mga pantas na mula sa kanilang mga magulang, at hindi inilingid; |
|
| 19 |
|
| Sa mga yaon lamang ibinigay ang lupain, at walang taga ibang lupa na dumaan sa gitna nila:) |
|
| 20 |
|
| Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit lahat ng kaniyang araw, sa makatuwid baga'y ang bilang ng mga taon na itinakda sa mamimighati. |
|
| 21 |
|
| Ang hugong ng kakilabutan ay nasa kaniyang mga pakinig; sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mga mananamsam: |
|
| 22 |
|
| Siya'y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman, at siya'y hinihintay ng tabak: |
|
| 23 |
|
| Siya'y gumagala dahil sa tinapay, na nagsasabi: Nasaan? Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay: |
|
| 24 |
|
| Kapanglawan at kadalamhatian ay tumatakot sa kaniya: nangananaig laban sa kaniya, na gaya ng isang hari na handa sa pakikipagbaka; |
|
| 25 |
|
| Sapagka't iniuunat niya ang kaniyang kamay laban sa Dios. At nagpapalalo laban sa Makapangyarihan sa lahat; |
|
| 26 |
|
| Tinatakbo niya siya na may mapagmatigas na leeg, sa kakapalan ng kaniyang mga kalasag; |
|
| 27 |
|
| Sapagka't tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan at nagpangulubot ng kaniyang mga pigi; |
|
| 28 |
|
| At siya'y tumahan sa mga sirang bayan, sa mga bahay na walang taong tumatahan, na madaling magiging mga bunton. |
|
| 29 |
|
| Hindi siya yayaman, o mamamalagi man ang kaniyang pag-aari. Ni di lalawak sa lupa ang kaniyang mga tinatangkilik. |
|
| 30 |
|
| Siya'y hindi hihiwalay sa kadiliman; tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga, at sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya. |
|
| 31 |
|
| Huwag siyang tumiwala sa kalayawan na dayain ang sarili: sapagka't kalayawan ang magiging kagantihan sa kaniya. |
|
| 32 |
|
| Magaganap ito bago dumating ang kaniyang kapanahunan, at ang kaniyang sanga ay hindi mananariwa. |
|
| 33 |
|
| Lalagasin niya ang kaniyang mga hilaw na ubas na gaya ng puno ng ubas, at lalagasin ang kaniyang bulaklak na gaya ng olibo. |
|
| 34 |
|
| Sapagka't ang pulutong ng mga di banal ay hindi lalago, at susupukin ng apoy ang mga toldang suhulan. |
|
| 35 |
|
| Sila'y nag-iisip ng pagapi at naglalabas ng kasamaan, at ang kanilang kalooban ay naghahanda ng pagdaraya. |
|
|
|
|