|
| 1 |
|
| Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, |
|
| 2 |
|
| Ako'y nakarinig ng maraming ganyang bagay: maralitang mga mangaaliw kayong lahat. |
|
| 3 |
|
| Magkakawakas ba ang mga walang kabuluhang salita? O anong naguudyok sa iyo, na ikaw ay sumagot? |
|
| 4 |
|
| Ako nama'y makapangungusap na gaya ng inyong ginagawa; kung ang inyong kaluluwa ay nasa kalagayan ng aking kaluluwa, ako'y makapagdudugtongdugtong ng salita laban sa inyo, at maigagalaw ang aking ulo sa inyo. |
|
| 5 |
|
| Nguni't aking palalakasin kayo ng aking bibig, at ang pagaliw ng aking mga labi ay magpapalikat ng inyong hirap, |
|
| 6 |
|
| Bagaman ako'y nagsasalita, ang aking hirap ay hindi naglilikat: at bagaman ako'y tumatahimik, anong ikinalalayo sa akin? |
|
| 7 |
|
| Nguni't ngayo'y niyamot niya ako: nilansag mo ang aking buong pulutong. |
|
| 8 |
|
| At ako'y pinagdalamhati mo, na siyang saksi laban sa akin; at ang aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin, nagpapatotoo sa aking mukha. |
|
| 9 |
|
| Niluray niya ako sa kaniyang kapootan, at inusig ako; pinagngangalitan niya ako ng kaniyang mga ngipin: pinangdidilatan ako ng mga mata ng aking kaaway. |
|
| 10 |
|
| Kanilang pinagbubukahan ako ng kanilang bibig: kanilang sinampal ako sa mukha na kahiyahiya: sila'y nagpipisan laban sa akin. |
|
| 11 |
|
| Ibinibigay ako ng Dios sa di banal, at inihahagis niya ako sa mga kamay ng masama. |
|
| 12 |
|
| Ako'y nasa kaginhawahan at kaniyang niligalig akong mainam; Oo, sinunggaban niya ako sa leeg, at pinagwaraywaray niya ako: inilagay naman niya akong pinakatanda niya. |
|
| 13 |
|
| Kinubkob ako sa palibot ng kaniyang mga mamamana, kaniyang sinaksak ang aking mga bato, at hindi nagpapatawad; kaniyang ibinubuhos ang aking apdo sa lupa. |
|
| 14 |
|
| Kaniyang binubugbog ako ng bugbog at bugbog; siya'y gaya ng isang higanti na dinadaluhong niya ako. |
|
| 15 |
|
| Ako'y nanahi ng kayong magaspang sa aking katawan, at aking inilugmok ang aking kapalaluan sa alabok. |
|
| 16 |
|
| Ang aking mukha ay namamaga sa pagiyak, at nasa aking mga pilik-mata ang anino ng kamatayan; |
|
| 17 |
|
| Bagaman walang karahasan sa aking mga kamay, at ang aking dalangin ay malinis, |
|
| 18 |
|
| Oh lupa, huwag mong tabunan ang aking dugo, at huwag magkaroon ng pahingahang dako ang aking daing. |
|
| 19 |
|
| Kahit na ngayon, narito, ang aking saksi ay nasa langit, at siyang nananagot sa akin ay nasa kaitaasan. |
|
| 20 |
|
| Ginagalit ako ng aking mga kaibigan: nguni't ang aking mata ay nagbubuhos ng mga luha sa Dios; |
|
| 21 |
|
| Upang kaniyang alalayan ang katuwiran ng tao sa Dios; at ang anak ng tao sa kaniyang kapuwa. |
|
| 22 |
|
| Sapagka't pagsapit ng ilang taon, ako'y papanaw sa daan na hindi ko pagbabalikan. |
|
|
|
|