Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Gulung-gulo ang aking isipan, bilang na ang aking mga araw, hinihintay na ako ng libingan. |
| 2 |
| Pinagmamasdan ko ang sa akin ay lumalait, mga salita nila'y lubhang masasakit. |
| 3 |
| O Diyos, ako'y tapat, kaya sa aki'y magtiwala, ikaw lang ang makapagpapatunay sa aking mga salita. |
| 4 |
| Isip nila'y sinarhan mo upang di makaunawa; laban sa akin, huwag nawa silang magtagumpay. |
| 5 |
| Siyang dahil sa salapi ay nagtataksil sa mga kaibigan, kanyang mga anak ang siyang mawawalan. |
| 6 |
| Ako ngayo'y pinag-uusapan ng buong bayan, pinupuntahan pa upang maduraan lamang. |
| 7 |
| Halos ako'y mabulag dahil sa kalungkutan, kasingnipis ng anino ang buo kong katawan. |
| 8 |
| Mga nagsasabing sila'y tapat sa akin ay nagulat, ang mga walang sala, sa aki'y nanunumbat. |
| 9 |
| Ngunit ang mga matuwid ay lalong naniniwala, at lalo pang nahikayat na sila nga ang tama. |
| 10 |
| Subalit silang lahat, humarap man sa akin, wala akong maituturo na may talinong angkin. |
| 11 |
| “Tapos na ang mga araw ko, bigo ang aking mga plano, ang aking pag-asa'y tuluyan nang naglaho. |
| 12 |
| Sabi nila, ang gabi ay araw na rin, malapit na raw ang liwanag, ngunit alam kong ako'y nasa dilim pa rin. |
| 13 |
| Ang tanging pag-asa ko'y ang daigdig ng mga patay, at sa kadiliman doon ako mahihimlay. |
| 14 |
| Ang hukay ay tatawagin kong ama, at ang mga uod ay ituturing kong mga kapatid at ina. |
| 15 |
| Nasaan nga ang aking pag-asa, sino ang dito ay makakakita? |
| 16 |
| Madadala ko ba ito sa daigdig ng mga patay, sasama ba ito sa alabok na hantungan?” |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/job/017.mp3
42
17