|
| 1 |
|
| Ang aking diwa ay nanglulumo, ang aking mga kaarawan ay natatapos, ang libingan ay handa sa akin. |
|
| 2 |
|
| Tunay na may mga manunuya na kasama ako, at ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi. |
|
| 3 |
|
| Magbigay ka ngayon ng sangla, panagutan mo ako ng iyong sarili; sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin? |
|
| 4 |
|
| Sapagka't iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa: kaya't hindi mo sila itataas. |
|
| 5 |
|
| Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli, ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata. |
|
| 6 |
|
| Nguni't ginawa rin niya akong kakutyaan ng bayan: at niluraan nila ako sa mukha. |
|
| 7 |
|
| Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan. At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino. |
|
| 8 |
|
| Mga matuwid na tao ay matitigilan nito, at ang walang sala ay babangon laban sa di banal. |
|
| 9 |
|
| Gayon ma'y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad, at ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas. |
|
| 10 |
|
| Nguni't tungkol sa inyong lahat, magsiparito kayo ngayon uli; at hindi ako makakasumpong ng isang pantas sa gitna ninyo. |
|
| 11 |
|
| Ang aking mga kaarawan ay lumipas, ang aking mga panukala ay nangasira, sa makatuwid baga'y ang mga akala ng aking puso. |
|
| 12 |
|
| Kanilang ipinalit ang araw sa gabi: ang liwanag, wika nila, ay malapit sa kadiliman. |
|
| 13 |
|
| Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay; kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman: |
|
| 14 |
|
| Kung sinabi ko sa kapahamakan: ikaw ay aking ama: sa uod: ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae; |
|
| 15 |
|
| Nasaan nga ang aking pagasa? At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita? |
|
| 16 |
|
| Lulusong sa mga pangawan ng Sheol, pagtataglay ng kapahingahan sa alabok. |
|
|
|
|