|
| 1 |
|
| Ang sagot ni Job, |
|
| 2 |
|
| “Hanggang kailan ninyo ako pahihirapan sa mga salitang inyong binibitawan? |
|
| 3 |
|
| Maraming ulit na ninyo akong nilait, di na kayo nahiya na sa aki'y magmalabis. |
|
| 4 |
|
| Kung nakagawa man ako ng kasalanan; walang ibang mananagot kundi ako lamang. |
|
| 5 |
|
| Akala ninyo kayo'y mas mabuti kaysa akin, pinagbabatayan ninyo'y ang hirap kong pasanin. |
|
| 6 |
|
| Dapat ninyong malaman, ang Diyos ang may gawa nito; ang bitag niyang iniumang ay nasa paligid ko. |
|
| 7 |
|
| Tumututol ako sa ganitong karahasan, ngunit walang nakikinig sa sigaw kong katarungan. |
|
| 8 |
|
| Hinarangan ng Diyos ang aking daraanan; binalot niya ng dilim ang landas kong lalakaran. |
|
| 9 |
|
| Inalis niyang lahat ang aking kayamanan, sinira pa niya ang aking karangalan. |
|
| 10 |
|
| Saanman ako bumaling, ako'y kanyang pinapalo, parang punong binunot, pag-asa ko'y natutuyo. |
|
| 11 |
|
| Matindi ang galit ng Diyos sa akin; isang kaaway ang sa aki'y kanyang turing. |
|
| 12 |
|
| Ang hukbo niya ay tinipon at ako ay kinubkob, ang aking tahanan ay kanilang sinakop. |
|
| 13 |
|
| “Ang mga kapatid ko'y pinalayo niya sa akin; mga dating kakilala, hindi na ako pinapansin. |
|
| 14 |
|
| Pati mga kamag-anak ko'y nag-alisan; naiwan akong walang kaibigan. |
|
| 15 |
|
| Dati kong mga panauhi'y di na ako kilala; para na akong dayuhan sa aking mga alila. |
|
| 16 |
|
| Ang utos ko sa kanila'y hindi na rin pinapansin, makiusap man ako'y ayaw pa rin akong sundin. |
|
| 17 |
|
| Pati na ang asawa ko'y nandidiri sa akin; mga kapatid ko sa laman, ayaw akong makapiling. |
|
| 18 |
|
| Ako'y kinukutya ng mga batang paslit; kapag ako'y nakita, pinagtatawanan at nilalait. |
|
| 19 |
|
| Mga kaibigan kong matalik sa akin ay nasusuklam, ang mga minamahal ko, ako'y nilalayuan. |
|
| 20 |
|
| Buto't balat na lamang ang natitira sa akin, ang pag-asa kong mabuhay, maliit na at katiting. |
|
| 21 |
|
| Mga kaibigan ko, sa akin sana'y mahabag; kamay na ng Diyos ang sa aki'y humahampas. |
|
| 22 |
|
| Bakit n'yo ako inuusig tulad ng ginagawa ng Diyos? Di pa ba kayo masaya sa kahirapan kong lubos? |
|
| 23 |
|
| “Ang mga salita ko sana'y maisulat at maitala sa isang buong aklat! |
|
| 24 |
|
| At maiukit sa bato itong mga sinabi ko upang habang panaho'y mabasa ng mga tao. |
|
| 25 |
|
| Ngunit alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas, na magtatanggol sa akin pagdating ng wakas. |
|
| 26 |
|
| Pagkatapos na maubos itong aking buong balat, makikita ko ang Diyos kahit laman ay maagnas. |
|
| 27 |
|
| Siya'y aking mamamasdan, at mukhaang makikita; siya'y makikilala nitong aking mga mata. Ang puso ko'y nananabik na masdan ko na siya. |
|
| 28 |
|
| “Ako ay patuloy ninyong uusigin, pagkat iniisip ninyong ang sala nga ay sa akin. |
|
| 29 |
|
| Kayo sana ay mag-ingat sa talim nitong tabak, na siyang maghahatid ng parusa sa kasalanan, upang inyong malamang may hahatol nga sa wakas.” |
|
|
|
|