|
| 1 |
|
| Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, |
|
| 2 |
|
| Hanggang kailan pahihirapan ninyo ang aking kaluluwa, at babagabagin ako ng mga salita? |
|
| 3 |
|
| Ng makasangpung ito ay pinulaan ninyo ako: kayo'y hindi nangapapahiya na nangagpapahirap sa akin. |
|
| 4 |
|
| At kahima't ako'y magkamali, ang aking kamalian ay maiwan sa aking sarili. |
|
| 5 |
|
| Kung tunay na kayo'y magpapakalaki laban sa akin, at ipakikipagtalo laban sa akin ang kakutyaan ko: |
|
| 6 |
|
| Talastasin ninyo ngayon na inilugmok ako ng Dios, at inikid ako ng kaniyang silo. |
|
| 7 |
|
| Narito, ako'y humihiyaw dahil sa kamalian, nguni't hindi ako dinidinig; ako'y humihiyaw ng tulong, nguni't walang kahatulan. |
|
| 8 |
|
| Kaniyang pinadiran ang aking daan upang huwag akong makaraan, at naglagay ng kadiliman sa aking mga landas. |
|
| 9 |
|
| Hinubaran niya ako ng aking kaluwalhatian, at inalis ang putong sa aking ulo. |
|
| 10 |
|
| Kaniyang inilugmok ako sa bawa't dako, at ako'y nananaw: at ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy. |
|
| 11 |
|
| Kaniya rin namang pinapagalab ang kaniyang pagiinit laban sa akin, at ibinilang niya ako sa kaniya na gaya ng isa sa kaniyang mga kaaway, |
|
| 12 |
|
| Ang kaniyang mga hukbo ay dumarating na magkakasama, at ipinagpatuloy ang kanilang lakad laban sa akin, at kinubkob ang palibot ng aking tolda. |
|
| 13 |
|
| Inilayo niya ang aking mga kapatid sa akin, at ang aking mga kakilala ay pawang nangiba sa akin. |
|
| 14 |
|
| Ang aking mga kamaganak ay nangagsilayo, at nilimot ako ng aking mga kasamasamang kaibigan. |
|
| 15 |
|
| Silang nagsisitahan sa aking bahay, at ang aking mga lingkod na babae, ay ibinibilang akong manunuluyan; ako'y naging kaiba sa kanilang paningin. |
|
| 16 |
|
| Aking tinatawag ang aking lingkod, at hindi ako sinasagot, bagaman sinasamo ko siya ng aking bibig. |
|
| 17 |
|
| Ang aking hininga ay iba sa aking asawa, at ang aking pamanhik sa mga anak ng tunay kong ina. |
|
| 18 |
|
| Pati ng mga bata ay humahamak sa akin; kung ako'y bumangon, sila'y nangagsasalita ng laban sa akin: |
|
| 19 |
|
| Lahat ng aking mahal na kaibigan ay nangayayamot sa akin: at ang aking minamahal ay nagsipihit ng laban sa akin, |
|
| 20 |
|
| Ang aking buto ay dumidikit sa aking balat at sa aking laman, at ako'y nakatanan ng sukat sa balat ng aking mga ngipin. |
|
| 21 |
|
| Mahabag kayo sa akin, mahabag kayo sa akin, Oh kayong mga kaibigan ko; sapagka't kinilos ako ng kamay ng Dios, |
|
| 22 |
|
| Bakit ninyo ako inuusig na gaya ng Dios. At hindi pa kayo nasisiyahan sa akin laman? |
|
| 23 |
|
| Oh mangasulat nawa ngayon ang aking mga salita! Oh mangalagda nawa sa isang aklat! |
|
| 24 |
|
| Ng isa nawang panulat na bakal at tingga, na mangaukit nawa sa bato magpakailan man! |
|
| 25 |
|
| Nguni't talastas ko na manunubos sa akin ay buhay, at siya'y tatayo sa lupa sa kahulihulihan: |
|
| 26 |
|
| At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat, gayon ma'y makikita ko ang Dios sa aking laman: |
|
| 27 |
|
| Siyang makikita ko ng sarili, at mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba. Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko. |
|
| 28 |
|
| Kung inyong sabihin: paanong aming pag-uusigin siya? Dangang ang kadahilanan ay nasusumpungan sa akin; |
|
| 29 |
|
| Mangatakot kayo sa tabak: sapagka't ang kapootan ang nagdadala ng mga parusa ng tabak, upang inyong malaman na may kahatulan. |
|
|
|
|