|
| 1 |
|
| Sinabi ni Zofar na Naamita, |
|
| 2 |
|
| “Ang iyong mga sinabi ay hindi ko na nagugustuhan kaya hindi ko na mapigilan ang pagsali sa usapan. |
|
| 3 |
|
| Ang iyong mga sinabi ay puro panlalait, kaya't tugon ko ngayo'y aking ipababatid. |
|
| 4 |
|
| “Hindi mo ba nalalaman na buhat pa sa simula, nang ang tao ay ilagay sa ibabaw ng lupa, |
|
| 5 |
|
| ang pagmamataas ng masama ay di nagtatagal, |
|
| 6 |
|
| umabot man sa langit ang kanyang katanyagan, at ang kanyang ulo, sa ulap ay umabot man. |
|
| 7 |
|
| Ngunit tulad ng alabok, ganap siyang mapaparam; ang hantungan niya'y hindi alam ng sinuman. |
|
| 8 |
|
| Siya'y parang panaginip na mawawala, parang pangitain sa gabi, di na muling makikita. |
|
| 9 |
|
| Di na siya muli pang makikita ng mga dating kaibigan at kapamilya. |
|
| 10 |
|
| Makikisama sa mahihirap ang kanyang mga anak; kayamanang kinamkam, mapapabalik lahat. |
|
| 11 |
|
| Ang lakas ng kabataan na dati niyang taglay, kasama niyang mahihimlay sa alabok na hantungan. |
|
| 12 |
|
| “Ang lasa ng kasamaan para sa kanya ay matamis, ninanamnam pa sa dila, samantalang nasa bibig. |
|
| 13 |
|
| Itong kanyang kasamaan ay hindi niya maiwan; kahit gusto man niyang iluwa ay di niya magagawa. |
|
| 14 |
|
| Ngunit nang ito'y lunukin, dumaan sa lalamunan, ubod pala ng pait, lason sa katawan. |
|
| 15 |
|
| Kayamanang kinamkam niya, kanya ngayong isusuka; palalabasin nga ng Diyos mula sa kanyang bituka. |
|
| 16 |
|
| Ang nilulunok ng taong masama ay tulad ng kamandag, parang tuklaw ng isang ahas na sa kanya ay papatay. |
|
| 17 |
|
| Ang mga ilog at batis na siyang dinadaluyan ng pulot at gatas ay di na niya mamamasdan. |
|
| 18 |
|
| Di rin niya papakinabangan lahat ng pinaghirapan; di niya malalasap ang naipong kayamanan, |
|
| 19 |
|
| sapagkat ang mahihirap ay inapi niya, kinamkam ang mga bahay na itinayo ng iba. |
|
| 20 |
|
| “Kanyang pagkagahaman ay walang katapusan, walang nakakaligtas sa kanyang kasakiman. |
|
| 21 |
|
| Kapag siya'y kumakain, wala siyang itinitira, ngunit ang kasaganaan niya ngayo'y magwawakas na. |
|
| 22 |
|
| Sa kanyang kasaganaan, daranas ng kagipitan at siya'y daratnan ng patung-patong na kahirapan. |
|
| 23 |
|
| Kumain na siya't magpakabusog! Matinding galit ng Diyos sa kanya'y ibubuhos. |
|
| 24 |
|
| Makaligtas man siya sa tabak na bakal, palasong tanso naman ang sa kanya'y magbubuwal. |
|
| 25 |
|
| Kapag ito'y itinudla sa apdo niya ay tutusok; kung makita niya ito, manginginig siya sa takot. |
|
| 26 |
|
| Matinding kadiliman ang sa kanya'y naghihintay; masusunog siya sa apoy na hindi namamatay. Wala ring matitira sa kanyang pamilya. |
|
| 27 |
|
| Ipahahayag ng langit ang kasamaan ng taong ito, laban sa kanya, ang lupa'y magpapatotoo. |
|
| 28 |
|
| Ang lahat ng kayamanan niya ay sisirain, sa galit ng Diyos ito ay tatangayin. |
|
| 29 |
|
| “Ganito ang sasapitin ng lahat ng masasama, kapasyahan ng Diyos, sa kanila'y itinakda.” |
|
|
|
|