|
| 1 |
|
| Ang sagot ni Job, |
|
| 2 |
|
| “Pakinggan ninyong mabuti itong aking sasabihin; ituturing ko nang ito'y pag-aliw sa akin. |
|
| 3 |
|
| Ako muna'y inyong pagsalitain, at pagkatapos nito, saka na ninyo laitin. |
|
| 4 |
|
| “Di laban sa tao itong aking hinanakit, may sapat akong dahilan, kung bakit hindi makatiis. |
|
| 5 |
|
| Tingnan ninyo ang hitsura ko, hindi pa ba ito sapat upang tumahimik na kayo at walang salitang mabigkas? |
|
| 6 |
|
| Tuwing iisipin ko itong sinapit ko, ako'y nanginginig at nanlulumo. |
|
| 7 |
|
| Bakit kaya ang masama'y hinahayaan pang mabuhay, tumatanda pa at nagtatagumpay? |
|
| 8 |
|
| Mayroon silang mga anak at mga apo, naabutan pa nila ang paglaki ng mga ito. |
|
| 9 |
|
| Hindi pinipinsala ang kanilang mga tahanan; parusa ng Diyos ay di nila nararanasan. |
|
| 10 |
|
| Ang pagdami ng kanilang mga hayop ay mabilis, ang inahin nilang baka'y nasa ayos kung magbuntis. |
|
| 11 |
|
| Ang kanilang mga anak ay naghahabulan, parang tupang naglalaro at mayroon pang sayawan. |
|
| 12 |
|
| Umaawit sa saliw ng tamburin at lira, umiindak, nagsasayaw sa tunog ng mga plauta. |
|
| 13 |
|
| Ang buong buhay nila'y puspos ng kasaganaan; at mapayapa ang kanilang pagharap sa kamatayan. |
|
| 14 |
|
| “Sinasabi nila sa Diyos, ‘Huwag mo kaming pakialaman. Ayaw naming alamin ang iyong kalooban! |
|
| 15 |
|
| Sino ba ang Makapangyarihang Diyos upang sambahin namin? At ano bang mapapala kung sa kanya'y mananalangin?’ |
|
| 16 |
|
| Ang akala nila, sa sariling lakas galing ang tagumpay, ngunit di ako sang-ayon sa kanilang palagay. |
|
| 17 |
|
| “Ilawan ba ng masama'y pinatay nang minsan? Sila ba ay dumanas ng matinding kahirapan, at ang parusa ng Diyos, sa kanila ba'y ipinataw? |
|
| 18 |
|
| Itinulad ba sa dayaming nililipad nitong hangin o ipang walang laman, tinatangay sa papawirin? |
|
| 19 |
|
| “Sinasabi ninyong ang anak ay pinaparusahan dahil sa sala ng kanyang magulang. Parusahan sana ng Diyos ang mismong may kasalanan! |
|
| 20 |
|
| Sa gayo'y mararanasan nila ang kahirapang sasapitin; sa parusa ng Makapangyarihang Diyos, sila ang pagdanasin. |
|
| 21 |
|
| Kapag ang isang tao'y binawian ng buhay, ano pang pakialam niya sa pamilyang naiwan? |
|
| 22 |
|
| Sinong makakapagturo ng dapat gawin ng Diyos, na siyang humahatol sa buong sansinukob? |
|
| 23 |
|
| “May taong namamatay sa gitna ng kasaganaan, panatag ang katayuan, maginhawa ang kabuhayan. |
|
| 24 |
|
| Katawan niya ay malusog, at malalakas ang tuhod. |
|
| 25 |
|
| Mayroon namang namamatay sa kahirapan, ni hindi nakalasap kahit kaunting kaligayahan. |
|
| 26 |
|
| Ngunit pareho silang sa alabok nahihimlay, at kapwa inuuod ang kanilang katawan. |
|
| 27 |
|
| “Alam ko kung ano ang binabalak ninyong gawin at ang masamang iniisip ninyo laban sa akin. |
|
| 28 |
|
| Tiyak na itatanong ninyo kung nasaan ang tahanan ng taong namuhay sa kasamaan. |
|
| 29 |
|
| “Hindi ba ninyo naitatanong sa mga manlalakbay, mga ulat nila'y hindi ba ninyo pinaniniwalaan? |
|
| 30 |
|
| Sa panahon ng kahirapan at kasawiang-palad, di ba't ang masama ay laging naliligtas? |
|
| 31 |
|
| Sa kanyang kasamaa'y walang nagpapamukha, walang naniningil sa masama niyang gawa. |
|
| 32 |
|
| Kapag siya ay namatay at inihatid na sa hukay, maraming nagbabantay sa kanyang libingan. |
|
| 33 |
|
| Napakaraming sa kanya'y maghahatid sa libing, pati lupang hihigan niya, sa kanya ay malambing. |
|
| 34 |
|
| Ngunit pang-aaliw ninyo'y walang kabuluhan, pagkat lahat ng sagot ninyo'y pawang kasinungalingan!” |
|
|
|
|