|
| 1 |
|
| Ang sagot ni Elifaz na taga-Teman: |
|
| 2 |
|
| “Ang tao ba'y may maitutulong sa Diyos na Manlilikha, kahit na siya'y marunong o kaya ay dakila? |
|
| 3 |
|
| May pakinabang ba ang Makapangyarihang Diyos kung ikaw ay matuwid, may mapapala ba siya kung ikaw man ay malinis? |
|
| 4 |
|
| Dahil ba sa takot mo sa kanya, kaya ka niya sinasaway, pinagsasabihan at dinadala sa hukuman? |
|
| 5 |
|
| Hindi! Ito'y dahil sa napakalaki ng iyong kasalanan, at sa mga ginagawa mong mga kasamaan. |
|
| 6 |
|
| Mga kapatid mo'y iyong pinaghuhubad, upang sa utang nila sa iyo sila'y makabayad. |
|
| 7 |
|
| Ang mga nauuhaw ay hindi mo pinainom; hindi mo pinakain ang mga nagugutom. |
|
| 8 |
|
| Lakas mo ang ginagamit kaya lupa'y nakakamkam, at ibinibigay ito sa iyong kinalulugdan. |
|
| 9 |
|
| Hindi mo na nga tinulungan ang mga biyuda, inaapi mo pa ang mga ulila. |
|
| 10 |
|
| Kaya napapaligiran ka ngayon ng mga bitag, at bigla kang binalot ng mga sindak. |
|
| 11 |
|
| Paligid mo'y nagdidilim kaya di ka makakita, maging tubig nitong baha ay natatabunan ka. |
|
| 12 |
|
| “Di ba't ang Diyos ay nasa mataas na kalangitan, at ang mga bituin sa itaas ay kanyang tinutunghayan? |
|
| 13 |
|
| Ngunit ang sabi mo, ‘Ang Diyos ay walang nalalaman, at hindi tayo mahahatulan, pagkat sa ulap siya'y natatakpan.’ |
|
| 14 |
|
| Akala mo'y dahil sa ulap ay di na siya makakakita, at sa ibabaw ng himpapawid, ay palakad-lakad lang siya. |
|
| 15 |
|
| “Talaga bang nais mong lakaran ang dating daan, landas na tinahak ng mga nasanay sa kasamaan? |
|
| 16 |
|
| Kahit wala pa sa panahon sila'y tinatangay na ng baha, sapagkat ang kanilang pundasyon ay lubos na nagiba. |
|
| 17 |
|
| Sinabi nila sa Diyos na sila'y kanyang layuan, at wala naman daw magagawa sa kanila ang Diyos na Makapangyarihan. |
|
| 18 |
|
| Sa kabila nito, sila pa rin ay pinagpala; di ko talaga maunawaan ang pag-iisip ng masama. |
|
| 19 |
|
| Natutuwa ang matuwid, ang mabuti'y nagagalak kapag nakita nilang ang masama'y napapahamak. |
|
| 20 |
|
| Sabi nila, ‘Ang mga kaaway nati'y nalugmok, at ang mga ari-arian nila ay natupok.’ |
|
| 21 |
|
| “Sumang-ayon ka sa Diyos, makipagkasundo ka sa kanya, ang buhay mo'y gaganda at magiging maginhawa. |
|
| 22 |
|
| Makinig ka sa kanyang itinuturo, mga sinasabi niya'y itanim mo sa iyong puso. |
|
| 23 |
|
| Manumbalik ka sa Makapangyarihan, ikaw ay magpakumbaba, at alisin mo sa iyong tahanan lahat ng gawaing masama. |
|
| 24 |
|
| Ang lahat mong kayamanan ay itapon mo sa alabok, at ang mamahaling ginto ay ihagis mo na sa ilog. |
|
| 25 |
|
| Ang Diyos na Makapangyarihan ang ituring mong yaman, na siyang ginto't pilak na iyong papahalagahan. |
|
| 26 |
|
| Sa Makapangyarihang Diyos ka palaging magtiwala, at ang Maykapal ang pagkukunan mo ng tuwa. |
|
| 27 |
|
| Papakinggan niya ang iyong panalangin, kaya't ang mga panata mo ay iyong tuparin. |
|
| 28 |
|
| Lagi kang magtatagumpay sa iyong mga balak, at ang landas mo ay magliliwanag. |
|
| 29 |
|
| Ang mga palalo'y ibinabagsak nga ng Diyos, ngunit inililigtas ang mapagpakumbabang-loob. |
|
| 30 |
|
| Ililigtas ka niya kung wala kang kasalanan, at kung ang ginagawa mo ay nasa katuwiran.” |
|
|
|
|