|
| 1 |
|
| Pagkatapos, sumagot si Elifaz na taga-Teman, |
|
| 2 |
|
| “May maitutulong ba ang tao sa Dios, o kahit ang taong marunong? |
|
| 3 |
|
| Matutuwa kaya ang Makapangyarihang Dios kung matuwid ka? May mapapala ba siya sa iyo kung walang kapintasan ang buhay mo? |
|
| 4 |
|
| Sinasaway ka at hinahatulan ng Dios hindi dahil may takot ka sa kanya, |
|
| 5 |
|
| kundi dahil sa sukdulan na ang kasamaan mo at walang tigil ang paggawa mo ng kasalanan. |
|
| 6 |
|
| Walang awa mong kinukuha ang damit ng iyong kapwa bilang garantiya sa kanyang utang sa iyo. |
|
| 7 |
|
| Hindi mo binibigyan ng tubig ang nauuhaw at hindi mo rin binibigyan ng pagkain ang nagugutom. |
|
| 8 |
|
| Ginagamit mo ang iyong kapangyarihan at kadakilaan sa pangangamkam ng lupa. |
|
| 9 |
|
| Kapag humihingi sa iyo ng tulong ang mga biyuda, pinauuwi mo silang walang dala. Pinagmamalupitan mo pa pati ang mga ulila. |
|
| 10 |
|
| Iyan ang mga dahilan kung bakit napapalibutan ka ng patibong at dumarating sa iyo ang biglang pagkatakot. |
|
| 11 |
|
| Iyan din ang mga dahilan kung bakit nadiliman ka at hindi nakakita, at inaapawan pa ng baha. |
|
| 12 |
|
| “Ang Dios ay nasa kataas-taasang langit, mas mataas pa sa pinakamataas na bituin. |
|
| 13 |
|
| Kaya sinasabi mo, ‘Hindi alam ng Dios ang ginagawa ko. Paano siya makakahatol kung napapalibutan siya ng makapal na ulap? |
|
| 14 |
|
| Napapalibutan nga siya ng makapal na ulap, kaya hindi niya tayo makikita habang naglalakad siya sa itaas ng langit.’ |
|
| 15 |
|
| “Patuloy ka bang susunod sa pag-uugaling matagal ng sinusunod ng taong masasama? |
|
| 16 |
|
| Namatay sila nang wala pa sa panahon; katulad sila ng pundasyon ng bahay na tinangay ng baha. |
|
| 17 |
|
| Sinabi nila sa Makapangyarihang Dios, ‘Hayaan mo na lamang kami! Ano bang magagawa mo para sa amin?’ |
|
| 18 |
|
| Pero ang Dios ang pumuno ng mabubuting bagay sa bahay nila. Kaya anuman ang ipapayo nitong mga taong masama ay hindi ko tatanggapin. |
|
| 19 |
|
| “Kapag nakita ng mga taong matuwid at walang kasalanan ang kapahamakan ng mga taong masama, matutuwa sila at magdiriwang. |
|
| 20 |
|
| Sasabihin nila, ‘Napahamak na ang mga kaaway natin, at natupok sa apoy ang kayamanan nila.’ |
|
| 21 |
|
| “ Job, magpasakop ka sa Dios at makipagkasundo ka sa kanya upang pagpalain ka niya. |
|
| 22 |
|
| Tanggapin mo ang kanyang mga itinuturo at ingatan mo sa iyong puso ang kanyang mga salita. |
|
| 23 |
|
| Kung manunumbalik ka sa Dios na Makapangyarihan, at aalisin ang kasamaan sa sambahayan mo, pagpapalain ka niyang muli. |
|
| 24 |
|
| Huwag mong pahalagahan ang iyong kayamanan; ituring mo ito na parang buhangin o batong nasa ilog. |
|
| 25 |
|
| At ang Dios na Makapangyarihan ang ituring mong ginto at mamahaling pilak. |
|
| 26 |
|
| At saka mo matatagpuan ang kaligayahang nagmumula sa Makapangyarihang Dios, at hindi ka mahihiyang lumapit sa kanya. |
|
| 27 |
|
| Manalangin ka sa kanya at didinggin ka niya. Tuparin mo ang iyong mga pangako sa kanya. |
|
| 28 |
|
| Anuman ang binabalak mong gawin ay mangyayari at magiging maliwanag ang iyong daan. |
|
| 29 |
|
| Kung may taong nanghihina, at kung idadalangin mo sa Dios na palakasin siya, tutulungan niya ang taong iyon. |
|
| 30 |
|
| Pati ang mga taong nagkasala ay ililigtas niya sa pamamagitan ng buhay mong matuwid.” |
|
|
|
|