|
| 1 |
|
| Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi, |
|
| 2 |
|
| Mapapakinabangan ba ang tao ng Dios? Tunay na siyang pantas ay nakikinabang sa kaniyang sarili. |
|
| 3 |
|
| May kasayahan ba sa Makapangyarihan sa lahat na ikaw ay matuwid? O may pakinabang ba sa kaniya na iyong pinasasakdal ang iyong mga lakad? |
|
| 4 |
|
| Dahil ba sa iyong takot sa kaniya na kaniyang sinasaway ka, na siya'y pumasok sa iyo sa kahatulan? |
|
| 5 |
|
| Hindi ba malaki ang iyong kasamaan? Ni wala mang anomang wakas sa iyong mga kasamaan. |
|
| 6 |
|
| Sapagka't ikaw ay kumuha ng sangla ng iyong kapatid sa wala, at iyong hinubdan ng kanilang suot ang hubad. |
|
| 7 |
|
| Ikaw ay hindi nagbigay ng tubig sa pagod upang uminom, at ikaw ay nagkait ng tinapay sa gutom. |
|
| 8 |
|
| Nguni't tungkol sa makapangyarihang tao, siya'y nagtatangkilik ng lupa; at ang marangal na tao, ay tumatahan doon. |
|
| 9 |
|
| Iyong pinayaong walang dala ang mga babaing bao, at ang mga kamay ng ulila ay nangabali. |
|
| 10 |
|
| Kaya't ang mga silo ay nangasa palibot mo, at biglang takot ay bumabagabag sa iyo, |
|
| 11 |
|
| O kadiliman, upang huwag kang makakita. At kasaganaan ng tubig ay tumatabon sa iyo. |
|
| 12 |
|
| Hindi ba ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit? At, narito, ang kataasan ng mga bituin, pagkataastaas nila! |
|
| 13 |
|
| At iyong sinasabi, Anong nalalaman ng Dios? Makahahatol ba siya sa salisalimuot na kadiliman? |
|
| 14 |
|
| Masinsing alapaap ang tumatakip sa kaniya, na siya'y hindi nakakakita; at siya'y lumalakad sa balantok ng langit. |
|
| 15 |
|
| Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan, na nilakaran ng mga masamang tao? |
|
| 16 |
|
| Na siyang mga naalis bago dumating ang kanilang kapanahunan. Na ang patibayan ay nahuhong parang agos: |
|
| 17 |
|
| Na nagsabi sa Dios: Lumayo ka sa amin; at, anong magagawa sa amin ng Makapangyarihan sa lahat? |
|
| 18 |
|
| Gayon ma'y pinuno niya ang kanilang mga bahay ng mga mabuting bagay; nguni't ang payo ng masama ay malayo sa akin. |
|
| 19 |
|
| Nakikita ng mga matuwid at nangatutuwa; at tinatawanang mainam ng walang sala: |
|
| 20 |
|
| Na nagsasabi, Walang pagsalang silang nagsisibangon laban sa atin ay nahiwalay, at ang nalabi sa kanila ay sinupok ng apoy. |
|
| 21 |
|
| Makipagkilala ka sa kaniya, at ikaw ay mapayapa: anopa't ang mabuti ay darating sa iyo. |
|
| 22 |
|
| Iyong tanggapin, isinasamo ko sa iyo, ang kautusan mula sa kaniyang bibig, at ilagak mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso. |
|
| 23 |
|
| Kung ikaw ay bumalik sa Makapangyarihan sa lahat, ay matatayo ka; kung iyong ilayo ang kalikuan sa iyong mga tolda. |
|
| 24 |
|
| At ilagay mo ang iyong kayamanan sa alabok, at ang ginto ng Ophir sa gitna ng mga bato ng mga batis: |
|
| 25 |
|
| At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan, at mahalagang pilak sa iyo. |
|
| 26 |
|
| Sapagka't ikaw ay magagalak nga ng iyong sarili sa Makapangyarihan sa lahat, at iyong itataas ang iyong mukha sa Dios. |
|
| 27 |
|
| Ikaw ay dadalangin sa kaniya, at kaniyang didinggin ka: at iyong babayaran ang iyong mga panata. |
|
| 28 |
|
| Ikaw nama'y magpapasiya ng isang bagay, at ito'y matatatag sa iyo; at liwanag ay sisilang sa iyong mga daan. |
|
| 29 |
|
| Pagka inilulugmok ka nila, ay iyong sasabihin: Magpakataas; at ililigtas niya ang mapagpakumbabang tao. |
|
| 30 |
|
| Kaniyang ililigtas, pati ng hindi banal: Oo, siya'y maliligtas sa kalinisan ng iyong mga kamay. |
|
|
|
|