Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Ito naman ang sagot ni Job: |
| 2 |
| “Hanggang ngayon ay masama pa itong aking loob, bagama't ako'y nananangis, pinaparusahan pa rin ng Diyos. |
| 3 |
| Kung alam ko lamang kung saan siya matatagpuan, pupuntahan ko siya sa kanyang kinaroroonan. |
| 4 |
| Ihaharap ko sa kanya ang aking kalagayan at ilalahad kong lahat ang aking katuwiran. |
| 5 |
| Gusto kong malaman ang isasagot niya sa akin; nais kong maunawaan ang kanyang sasabihin. |
| 6 |
| Gagamitin kaya sa akin ang lahat niyang kapangyarihan? Hindi! Sa halip, hinaing ko'y kanyang papakinggan. |
| 7 |
| Sapagkat ako'y taong matuwid na haharap sa kanya, kanyang ipahahayag na ako'y walang sala. |
| 8 |
| “Sa dakong silangan, hindi ko siya natagpuan; hindi ko rin siya nakita sa gawing kanluran. |
| 9 |
| Di ko rin siya nakita sa dakong hilaga, at sa bandang timog, ni bakas ay wala. |
| 10 |
| Ngunit alam ng Diyos ang aking bawat hakbang; kapag sinubok niya, lalabas ang kadalisayan. |
| 11 |
| Pagkat landas niya'y aking nilakaran, hindi ako lumihis sa ibang daanan. |
| 12 |
| Ako'y hindi lumalabag sa kanyang kautusan, at ang kanyang mga salita ay aking iniingatan. |
| 13 |
| “Hindi siya nagbabago at di kayang salungatin, walang makakapigil sa nais niyang gawin. |
| 14 |
| Isasakatuparan niya ang plano niya sa akin, ang marami niyang balak ay kanyang gagawin. |
| 15 |
| Kaya ako'y natatakot na sa kanya'y humarap; isipin ko lamang ito, ako ay nasisindak. |
| 16 |
| Pinanghihina ng Diyos ang aking kalooban, tinatakot ako ng Makapangyarihan. |
| 17 |
| Sapagkat kadiliman ang nasa aking palibot, dilim nitong taglay sa mukha ko ay bumalot. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/job/023.mp3
42
23