Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Pagkatapos, sinabi ni Job, |
| 2 |
| “Hanggang ngayoʼy labis pa rin ang hinaing ko. Pinahihirapan pa rin ako ng Dios sa kabila ng labis kong pagdaing. |
| 3 |
| Kung alam ko lang kung saan ko siya hahanapin; kung makakapunta lang sana ako sa kinaroroonan niya, |
| 4 |
| sasabihin ko sa kanya ang aking kaso at ilalahad ang aking katuwiran. |
| 5 |
| Gusto kong malaman kung ano ang isasagot niya sa akin at gusto ko ring maintindihan ang sasabihin niya. |
| 6 |
| Makikipagtalo kaya siya sa akin gamit ang kapangyarihan niya? Hindi! Hindi niya iyon gagawin, kundi pakikinggan niya ako. |
| 7 |
| Ang taong matuwid na tulad ko ay maaaring mangatuwiran sa harap ng Dios na aking hukom, at palalayain niya ako nang lubusan. |
| 8 |
| “Hinanap ko ang Dios sa kung saan-saan – sa silangan, kanluran, hilaga, at timog, pero hindi ko siya matagpuan. |
| 9 |
| 10 |
| Ngunit alam niya ang ginagawa ko. Pagkatapos na masubukan niya ako, makikita niyang malinis ako tulad ng lantay na ginto. |
| 11 |
| Sinunod ko ang kanyang mga pamamaraan; hindi ko ito sinuway. |
| 12 |
| Sinusunod ko ang kanyang mga utos, at iniingatan ko ito sa aking puso. Pinahahalagahan ko ang mga salita niya ng higit pa sa pang-araw-araw na pagkain ko. |
| 13 |
| “Pero malaya ang Dios na gawin ang nais niyang gawin; walang sinumang makahahadlang sa kanya. |
| 14 |
| Kaya gagawin niya ang binabalak niyang gawin sa akin, at marami pa siyang planong gagawin sa akin. |
| 15 |
| Kaya natatakot ako sa kanya. At kapag iniisip ko ito, lalo akong natatakot. |
| 16 |
| Pinanghihina ako at tinatakot ng Makapangyarihang Dios. |
| 17 |
| Pero hindi ako tumigil sa pagdaing kahit na para akong nababalutan ng kadiliman. |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/job/023.mp3
42
23