Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Ito naman ang sagot ni Bildad na Suhita: |
| 2 |
| “Makapangyarihan ang Diyos dapat siyang igalang; naghaharing mapayapa sa buong sangkalangitan. |
| 3 |
| Ang kanyang mga anghel ay hindi mabibilang, lahat ay nasisikatan ng kanyang kaliwanagan. |
| 4 |
| Maaari bang maging matuwid ang tao sa paningin ng Diyos? Sa harapan ng Maykapal siya ba'y dalisay nang lubos? |
| 5 |
| Para sa Diyos, ang buwan ay walang ningning, at ang mga bituin ay marumi sa kanyang tingin. |
| 6 |
| Gaano pa ang tao na isa lamang hamak na uod, may halaga kaya siya sa paningin ng Diyos?” |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/job/025.mp3
42
25