×

Ang Salita ng Dios

Job 25

1
Sumagot si Bildad na taga-Shua,
2
“Makapangyarihan ang Dios at kagalang-galang. Pinaghahari niya ang kapayapaan sa langit.
3
Mabibilang ba ang kanyang hukbo? May lugar bang hindi nasisinagan ng kanyang liwanag?
4
Paano makakatayo ang isang tao sa harapan ng Dios at sasabihing siya ay matuwid? Mayroon bang taong ipinanganak na walang kapintasan?
5
Kung ang buwan at mga bituin ay hindi maliwanag sa kanyang paningin,
6
di lalo na ang tao na parang uod lamang.”
Tagalog Bible 2015
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc
:
I-save ang Mga Tala