×

Magandang Balita Bible (Revised) 2005

Job 25

1
Ito naman ang sagot ni Bildad na Suhita:
2
“Makapangyarihan ang Diyos dapat siyang igalang; naghaharing mapayapa sa buong sangkalangitan.
3
Ang kanyang mga anghel ay hindi mabibilang, lahat ay nasisikatan ng kanyang kaliwanagan.
4
Maaari bang maging matuwid ang tao sa paningin ng Diyos? Sa harapan ng Maykapal siya ba'y dalisay nang lubos?
5
Para sa Diyos, ang buwan ay walang ningning, at ang mga bituin ay marumi sa kanyang tingin.
6
Gaano pa ang tao na isa lamang hamak na uod, may halaga kaya siya sa paningin ng Diyos?”
Tagalog Bible 2005
2005 Philippine Bible Society
:
I-save ang Mga Tala