Tagalog Bible TLBA
|
| 1 |
| Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi, |
| 2 |
| Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya; siya'y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga mataas na dako. |
| 3 |
| May anomang bilang ba sa kaniyang mga hukbo? At doon sa hindi sinisikatan ng kaniyang liwanag? |
| 4 |
| Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios? O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae. |
| 5 |
| Narito, pati ng buwan ay walang liwanag, at ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin: |
| 6 |
| Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod! At ang anak ng tao, na isang uod! |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalogtlba/job/025.mp3
42
25