Ang Biblia 1905 TLAB
|
| 1 |
| Nang magkagayoy sumagot si Job, at nagsabi, |
| 2 |
| Paano mong tinulungan siya na walang kapangyarihan! Paano mong iniligtas ang kamay na walang lakas! |
| 3 |
| Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan, at saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman! |
| 4 |
| Kanino mo binigkas ang mga salita? At kanino ang diwa na lumabas sa iyo? |
| 5 |
| Ang mga patay ay nanginginig sa ilalim ng tubig, at ang mga nananahan doon. |
| 6 |
| Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios, at ang Abaddon ay walang takip. |
| 7 |
| Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman, at ibinibitin ang lupa sa wala. |
| 8 |
| Kaniyang itinatali ang tubig sa kaniyang masinsing alapaap; at ang alapaap ay hindi nahahapak sa ilalim nila. |
| 9 |
| Kaniyang tinatakpan ang ibabaw ng kaniyang luklukan, at iniladlad ang kaniyang mga alapaap sa ibabaw niyaon. |
| 10 |
| Siyay gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig, hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman. |
| 11 |
| Ang mga haligi ng langit ay nagsisipanginig. At nangatitigilan sa kaniyang saway. |
| 12 |
| Kaniyang pinapag-iinalon ang dagat ng kaniyang kapangyarihan, at sa kaniyang kaalaman ay sinasaktan niya ang Rahab. |
| 13 |
| Sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu ay ginayakan niya ang langit; sinaksak ng kaniyang mga kamay ang maliksing ahas. |
| 14 |
| Narito, ang mga ito ang mga gilid lamang ng kaniyang mga daan: at pagkarahan ng bulong na ating naririnig sa kaniya! Ngunit sinong makakaunawa ng kulog ng kaniyang kapangyarihan? |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog/job/026.mp3
42
26