Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Tumugon naman si Job, |
| 2 |
| “Malaking tulong ka sa akin na isang mahina! Sa palagay mo'y sumasaklolo ka sa akin na taong kawawa? |
| 3 |
| Ang walang nalalaman ay iyo bang tinuruan, at ang tao bang hangal ay binigyan ng karunungan? |
| 4 |
| Sino kayang makikinig sa sinasabi mo? At sino bang espiritu ang nag-udyok na sabihin ito?” |
| 5 |
| Ang sagot ni Bildad, “Sa takot ay nanginginig maging ang kalaliman, ganoon din itong dagat at ang doo'y naninirahan. |
| 6 |
| Ang daigdig ng mga patay, lantad sa mata ng Diyos. Sa paningin niya'y walang maikukubling lubos. |
| 7 |
| Ang kalawakan sa hilaga ay kanyang inilagay, ibinitin niya ang daigdig sa gitna ng kawalan. |
| 8 |
| Ang tubig ay iniipon sa balumbon ng mga ulap, at pinipigil niya ito kahit na anong bigat. |
| 9 |
| Ang buwang kabilugan, sa ulap ay kanyang tinatakpan. |
| 10 |
| Pinaghiwalay niya ang liwanag sa kadiliman, ng bilog na guhit sa ibabaw ng karagatan. |
| 11 |
| Mga haligi nitong langit ay nanginginig sa takot, nauuga, nayayanig kapag sinaway ng Diyos. |
| 12 |
| Sa kanyang kapangyarihan, pinatahimik niya ang dagat; sa kanyang karunungan, pinuksa niya ang dambuhalang si Rahab. |
| 13 |
| Sa pamamagitan ng hininga niya, ang langit ay umaaliwalas, pinuksa ng kamay niya ang dambuhalang tumatakas. |
| 14 |
| Maliit na bahagi lang ito ng kanyang kapangyarihan, na hindi pa rin natin lubos na maunawaan. Sino kaya ang tatarok sa tunay niyang kadakilaan?” |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/job/026.mp3
42
26