Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Sumagot si Job, |
| 2 |
| “Ang akala mo baʼy natulungan mo ang walang kakayahan at nailigtas ang mahihina? |
| 3 |
| Ang akala mo baʼy napayuhan mo ang kapos sa karunungan sa pamamagitan ng iyong karunungan? |
| 4 |
| Saan ba nanggaling ang mga sinasabi mong iyan? Sinong espiritu ang nagturo sa iyo na sabihin iyan? |
| 5 |
| “Nanginginig sa takot ang mga patay sa kinalalagyan nila sa ilalim ng tubig. |
| 6 |
| Lantad sa paningin ng Dios ang lugar ng mga patay. Hindi maitatago ang lugar na iyon ng kapahamakan. |
| 7 |
| Inilatag ng Dios ang hilagang kalangitan sa kalawakan at isinabit ang mundo sa kawalan. |
| 8 |
| Ibinabalot niya ang ulan sa makakapal na ulap, pero hindi ito napupunit gaano man kabigat. |
| 9 |
| Tinatakpan niya ng makapal na ulap ang bilog na buwan. |
| 10 |
| Nilagyan niya ng hangganan ang langit at dagat na parang hangganan din ng liwanag at dilim. |
| 11 |
| Sa pagsaway niya ay nayayanig ang mga haligi ng langit. |
| 12 |
| Sa kanyang kapangyarihan ay pinaaalon niya ang dagat; sa kanyang karunungan ay tinalo niya ang dragon na si Rahab. |
| 13 |
| Sa pamamagitan ng pag-ihip niya ay umaaliwalas ang langit, at sa kanyang kapangyarihan pinatay niya ang gumagapang na dragon. |
| 14 |
| Mga simpleng bagay lang ito para sa kanya. Parang isang bulong lang na ating napakinggan. Sino ngayon ang makakaunawa sa kapangyarihan ng Dios?” |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/job/026.mp3
42
26