|
| 1 |
|
| Muling tumugon si Job, |
|
| 2 |
|
| “Isinusumpa ko sa Diyos na sa aki'y nagkait ng katarungan, sa Makapangyarihang Diyos na nagdulot sa akin ng kapaitan. |
|
| 3 |
|
| Habang mayroon akong hininga na Diyos ang nagbibigay, ang labi ko'y walang bibigkasing kasinungalingan, ang aking sasabihin ay pawang katotohanan. |
|
| 4 |
|
|
|
| 5 |
|
| Hindi ko matatanggap na kayo ang may katuwiran, igigiit hanggang kamatayan na ako'y walang kasalanan. |
|
| 6 |
|
| Hindi ko isusuko ang aking katuwiran, budhi ko'y malinis, di ako sinusumbatan. |
|
| 7 |
|
| “Parusahan nawa ang lahat ng sa aki'y lumalapastangan; ituring nawa silang lahat na makasalanan. |
|
| 8 |
|
| Ang makasalana'y mayroon pa bang pag-asa, kapag binawi na ng Diyos ang buhay na taglay niya? |
|
| 9 |
|
| Pagsapit ng kaguluhan, papakinggan kaya ng Diyos ang kanyang panawagan? |
|
| 10 |
|
| Ito kaya ay mananalig sa Makapangyarihan at sa lahat ng araw, Diyos ay tatawagan. |
|
| 11 |
|
| “Ang kalooban ng Diyos, sa inyo'y sasabihin at aking ihahayag ang nais niyang gawin. |
|
| 12 |
|
| Ang lahat ng ito'y inyo namang nalalaman, subalit ang salita ninyo'y pawang walang kabuluhan.” |
|
| 13 |
|
| Ang sagot ni Zofar: “Sa masama ay ganito ang inihanda ng Diyos, sa mararahas ay ito ang parusang ibubuhos: |
|
| 14 |
|
| Magkakaanak sila ng marami ngunit mamamatay sa digmaan, ang kanilang mga anak, gutom ang mararanasan. |
|
| 15 |
|
| Ang matitirang buháy, sa salot mamamatay, ngunit kanilang mga biyuda, hindi sila tatangisan. |
|
| 16 |
|
| Kahit siya'y makaipon ng malaking kayamanan o kaya'y magkaroon ng maraming kasuotan, |
|
| 17 |
|
| isa man sa mga iyon ay di niya papakinabangan, mapupunta sa matuwid ang lahat niyang kayamanan. |
|
| 18 |
|
| Sapot lamang ng gagamba ang katulad ng kanyang bahay, parang kubo lamang ng mga aliping bantay. |
|
| 19 |
|
| Matutulog ang mayaman ngunit hanggang doon na lang; pagmulat ng kanyang mata, ari-arian niya ay wala na. |
|
| 20 |
|
| Mga kasawian ay parang bahang darating, tatangayin ng ipu-ipo pagsapit ng dilim. |
|
| 21 |
|
| Matinding hanging silangan, sa kanya ay tatangay, tuluyan siyang mawawala at di na makikita. |
|
| 22 |
|
| Patuloy siyang babayuhin nang walang pakundangan, ang kapangyarihan nito'y sisikapin niyang matakasan. |
|
| 23 |
|
| Sa bandang huli, hangin ay magagalak pagkat itong masama, tuluyan ng bumagsak. |
|
|
|
|