|
| 1 |
|
| Nagpatuloy sa pagsasalita si Job, |
|
| 2 |
|
| “Sumusumpa ako sa Makapangyarihan at buhay na Dios na nagkait ng katarungan at nagdulot sa akin ng sama ng loob. |
|
| 3 |
|
| Habang akoʼy may hininga at pinapahintulutan niyang mabuhay, |
|
| 4 |
|
| hindi ako magsasalita ng masama at kasinungalingan. |
|
| 5 |
|
| Hinding-hindi ko matatanggap na tama kayo. Ipipilit ko pa rin na wala akong kasalanan hanggang sa mamatay ako. |
|
| 6 |
|
| Ipaglalaban kong tama ako, at hindi ako titigil. Malinis ang aking konsensya habang akoʼy nabubuhay. |
|
| 7 |
|
| “Parusahan nawa ng Dios ang mga kumakalaban sa akin ng parusang nararapat sa masasamang tao! |
|
| 8 |
|
| Sapagkat ano ang pag-asa ng taong walang takot sa Dios kung bawiin na ng Dios ang kanyang buhay? |
|
| 9 |
|
| Didinggin kaya ng Dios ang paghingi niya ng tulong kung dumating sa kanya ang kagipitan? |
|
| 10 |
|
| Matutuwa kaya siya sa Makapangyarihang Dios? Tatawag kaya siya sa kanya sa lahat ng oras? |
|
| 11 |
|
| “Tuturuan ko sana kayo ng tungkol sa kapangyarihan ng Dios. Sasabihin ko sa inyo ang mga pamamaraan niya. |
|
| 12 |
|
| Pero alam na pala ninyo ang lahat ng ito. Kaya bakit pa kayo nagsasalita sa akin ng walang kabuluhan? |
|
| 13 |
|
| “Ito ang kapalaran na itinakda ng Makapangyarihang Dios sa taong masama at malupit. |
|
| 14 |
|
| Kahit gaano kadami ang anak niya, mamamatay ang iba sa kanila sa digmaan at ang iba naman ay sa gutom. |
|
| 15 |
|
| Ang matitira sa kanila ay mamamatay sa sakit, at walang magluluksa sa pagkamatay nila, kahit ang kanilang mga asawa. |
|
| 16 |
|
| “Kahit mag-ipon ng maraming pilak at damit ang masamang tao, |
|
| 17 |
|
| hindi rin siya ang makikinabang nito. Ang matutuwid at walang kasalanan ang magsusuot ng kanyang mga damit at ang maghahati-hati sa kanyang mga pilak. |
|
| 18 |
|
| Ang itinatayo niyang bahay ay magiging kasinrupok ng sapot ng gagamba o kayaʼy silungan ng tagapagbantay sa bukid. |
|
| 19 |
|
| Matutulog siyang mayaman pero paggising niyaʼy wala na ang kanyang kayamanan. |
|
| 20 |
|
| Darating sa kanya ang takot na parang rumaragasang baha at tatangayin siya ng ipu-ipo pagsapit ng gabi. |
|
| 21 |
|
| Tatangayin siya ng hangin na mula sa silangan at mawawala siya sa kanyang tirahan. |
|
| 22 |
|
| Walang awa siyang tatangayin nito habang pinipilit niyang makatakas. |
|
| 23 |
|
| May mga papalakpak at susutsot sa kanya para mangutya, dahil wala na siya sa kanyang tinitirhan. |
|
|
|
|