|
| 1 |
|
| “May lugar kung saan ang pilak ay mahuhukay, at may pook kung saan ang ginto'y dinadalisay. |
|
| 2 |
|
| Nahuhukay ng tao ang bakal mula sa lupa, at nilulusaw ang tanso mula sa batong nakuha. |
|
| 3 |
|
| Sinasaliksik ng tao ang pinakamalalim na kadiliman, ginagalugad pati ang kailaliman upang humukay ng batong yaman. |
|
| 4 |
|
| Humuhukay nang malalim sa ilang at kabundukan na hindi pa naaabot ng sinumang manlalakbay, nagmimina sila roon sa gitna ng kalungkutan. |
|
| 5 |
|
| Sa lupa tumutubo ang halamang kinakain, ngunit parang tinupok ng apoy ang nasa ilalim. |
|
| 6 |
|
| Nasa mga bato ang mga safiro, nasa alabok naman ang gintong puro. |
|
| 7 |
|
| Ang daang iyo'y di abot-tanaw ng lawin, kahit mga buwitre'y hindi ito napapansin. |
|
| 8 |
|
| Hindi pa ito nadadaanan ng hayop na mababangis, hindi pa nagagawi rito ang leong mabagsik. |
|
| 9 |
|
| “Hinuhukay ng mga tao ang batong matitigas, pati paanan ng mga bundok ay kanilang tinitibag. |
|
| 10 |
|
| Sa malalaking bato'y gumagawa sila ng lagusan, mamahaling hiyas ay kanilang natutuklasan. |
|
| 11 |
|
| Pinagmumulan ng ilog ay kanilang tinutunton, at dinadala sa liwanag anumang nakatago roon. |
|
| 12 |
|
| Ngunit saan kaya matatagpuan itong karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan? |
|
| 13 |
|
| “Hindi alam ng tao ang daan tungo sa karunungan; wala iyon sa lupain ng mga nabubuhay. |
|
| 14 |
|
| Ang sabi ng kalaliman, ‘Wala sa akin ang kaalaman.’ Ganito rin ang sinasabi ng buong karagatan. |
|
| 15 |
|
| Hindi ito mabibili kahit ginto ang ibayad, hindi ito makukuha palitan man ng pilak. |
|
| 16 |
|
| Ang pinakamahal na ginto at alahas, sa halaga ng karununga'y hindi maitutumbas. |
|
| 17 |
|
| Mahigit pa kaysa ginto ang timbang ng karunungan, mas mahal kaysa sa alahas o sa gintong kayamanan. |
|
| 18 |
|
| Mas mahalaga ang karunungan kaysa magandang koral, higit itong mamahalin kaysa perlas o sa kristal. |
|
| 19 |
|
| Kahit na ang topaz, dito'y di maipapantay, at hindi rin mahihigitan kahit ng gintong dalisay. |
|
| 20 |
|
| “Kung gayo'y saan nga nagmumula ang karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan? |
|
| 21 |
|
| Hindi ito nakikita ng sinumang nilalang, mga ibong lumilipad, hindi rin ito natatanaw. |
|
| 22 |
|
| Kahit ang Pagkawasak at ang Kamatayan ay nagsasabing ang narinig nila'y mga sabi-sabi lamang. |
|
| 23 |
|
| “Ngunit tanging ang Diyos lang ang siyang nakakaalam kung saan naroroon ang tunay na karunungan. |
|
| 24 |
|
| Pagkat nakikita niya ang bawat sulok ng daigdig; natatanaw niyang lahat ang nasa ilalim ng langit. |
|
| 25 |
|
| Ang hangin ay kanyang binigyan ng bigat, ang karagatan ay itinakda niya ang sukat. |
|
| 26 |
|
| Ipinasya niya kung saan papatak ang ulan, at pati ang kidlat, binigyan niya ng daraanan. |
|
| 27 |
|
| Dito niya nakita at sinubok ang karunungan, kanyang itinatag at binigyang kahalagahan. |
|
| 28 |
|
| “At sinabi niya sa tao, ‘Ang pagsunod at paggalang sa Panginoon ay karunungan; at ang paglayo sa kasamaan ay siyang tunay na kaalaman.’” |
|
|
|
|