|
| 1 |
|
| “May mga minahan kung saan matatagpuan ang pilak at may mga lugar kung saan dinadalisay ang ginto. |
|
| 2 |
|
| Ang bakal ay nakukuha mula sa lupa, at ang tanso ay tinutunaw mula sa mga bato. |
|
| 3 |
|
| Gumagamit ng ilaw ang mga tao para madaig nila ang kadiliman sa kanilang paghuhukay sa kailaliman ng lupa. |
|
| 4 |
|
| Humuhukay sila ng daanan sa minahan, sa dakong walang taong nakatira at dumadaan. Bumababa sila sa pamamagitan ng mga nakalaylay na lubid. |
|
| 5 |
|
| Sa ibabaw ng lupa tumutubo ang mga tanim kung saan nagmumula ang pagkain, pero sa ilalim ay parang dinaanan ng apoy. |
|
| 6 |
|
| Ang mga bato roon ay may mga safiro at ang mga alikabok ay may ginto. |
|
| 7 |
|
| Ang mga daan patungo roon ay hindi makita ng mga ibon, kahit ng ibong mandaragit. |
|
| 8 |
|
| Hindi rin ito nadaanan ng mga mababangis na hayop o ng leon. |
|
| 9 |
|
| Hinuhukay ng mga tao kahit na ang pinakamatigas na bato sa ilalim ng bundok. |
|
| 10 |
|
| Hinuhukay nila ang bundok para hanapin ang ibaʼt ibang uri ng mamahaling bato. |
|
| 11 |
|
| Hinahanap din nila ang mga ito sa mga ilog. |
|
| 12 |
|
| “Pero saan nga ba matatagpuan ang karunungan at pang-unawa? |
|
| 13 |
|
| Hindi alam ng tao kung saan ito matatagpuan. Hindi ito matatagpuan dito sa lupa. |
|
| 14 |
|
| Hindi rin ito matatagpuan sa ilalim ng dagat. |
|
| 15 |
|
| Hindi rin ito nabibili ng purong ginto o pilak. |
|
| 16 |
|
| Ang halaga nito ay hindi matutumbasan ng ginto o ng alin mang mamahaling bato gaya ng onix o safiro. |
|
| 17 |
|
| Higit pa ito sa ginto o kristal. Hindi ito maipagpapalit sa gintong alahas. |
|
| 18 |
|
| Ang halaga nitoʼy higit pa sa koral, jasper, o rubi. |
|
| 19 |
|
| Hindi ito mapapantayan ng mamahaling batong topaz na mula sa Etiopia at hindi rin mababayaran ng purong ginto. |
|
| 20 |
|
| “Kaya saan matatagpuan ang karunungan at pang-unawa? |
|
| 21 |
|
| Walang nilalang na makakakita nito kahit na ang mga ibon. |
|
| 22 |
|
| Kahit na ang lugar ng kapahamakan na siyang lugar ng mga patay, sabi-sabi lang ang kanilang nalaman tungkol dito. |
|
| 23 |
|
| Dios lang ang nakakaalam kung saan matatagpuan ang karunungan. |
|
| 24 |
|
| Sapagkat nakikita niya kahit ang pinakamalayong bahagi ng mundo at ang lahat ng nasa ilalim ng langit. |
|
| 25 |
|
| Noong pinalakas niya ang hangin, at sinukat kung gaano karaming ulan ang dapat bumuhos, |
|
| 26 |
|
| itinakda na niya kung saan ito papatak, at kung saan tatama ang kulog at kidlat. |
|
| 27 |
|
| Sa ganito niya ipinakita ang karunungan at kahalagahan ng mga ito. Nasubukan na niya ito at napatunayan. |
|
| 28 |
|
| Pagkatapos, sinabi niya sa mga tao, ‘Ang pagkatakot sa Panginoon at ang paglayo sa kasamaan ay siyang karunungan at pagkaunawa.’ ” |
|
|
|
|