|
| 1 |
|
| Muling nagsalita si Job, |
|
| 2 |
|
| “Kung maibabalik ko lang ang mga unang araw noong ang Diyos sa akin ay palagi pang nagbabantay; |
|
| 3 |
|
| Nang ang liwanag niya sa akin ay gumagabay, sa paglakad ko sa dilim, siya ang aking tanglaw. |
|
| 4 |
|
| Noon, ako ay sagana, maluwag ang pamumuhay, kaibigang matalik ang Diyos na buháy, at sa buong pamilya ko, siya ang patnubay. |
|
| 5 |
|
| Noon ay malapit ang Makapangyarihang Diyos sa akin, at ang mga anak ko'y lagi sa aking piling. |
|
| 6 |
|
| Masagana ang gatas mula sa aking kawan, olibong nagbibigay ng langis, tumutubo kahit sa batuhan. |
|
| 7 |
|
| Kapag pumupunta ako noon sa mga kapulungan, at nauupong kasama ng mga pinuno ng bayan, |
|
| 8 |
|
| kapag ako'y natanaw, mga kabataa'y nagbibigay-daan, mga matatanda nama'y tumatayo at nagbibigay-galang. |
|
| 9 |
|
| Ihihinto ng pinuno, kanilang usapan, at mga maharlika'y tatahimik na lamang. |
|
| 10 |
|
|
|
| 11 |
|
| “Kapag ako'y nakita at kanilang narinig, sila'y sumasang-ayon at sa aki'y pumapanig. |
|
| 12 |
|
| Sapagkat tinulungan ko ang dukha sa kanilang pangangailangan, dinamayan ko ang mga ulilang wala nang mapuntahan. |
|
| 13 |
|
| Pinupuri ako ng mga dumanas ng kasawian, natulungang mga biyuda sa tuwa'y nag-aawitan. |
|
| 14 |
|
| At ang lagi kong adhikain, katarungan at katuwiran ay siyang pairalin. |
|
| 15 |
|
| Para sa mga bulag, ako'y nagsilbing mata; at sa mga pilay, ako ang kanilang paa. |
|
| 16 |
|
| Nagsilbi akong ama ng mga mahihirap, kahit di ko kilala ay aking nililingap. |
|
| 17 |
|
| Ang lakas ng masasama, aking sinisira ang kanilang mga bihag, sinikap kong mapalaya. |
|
| 18 |
|
| “Umaasa ako noong hahaba ang aking buhay, at sa aking tahanan payapang mamamatay. |
|
| 19 |
|
| Tulad ko noo'y punongkahoy na sa tubig ay sagana, at ang mga sanga, sa hamog laging basa. |
|
| 20 |
|
| Pinupuri ako ng halos lahat, at di nauubos ang aking lakas. |
|
| 21 |
|
| Sa mga payo ko sila'y nananabik, sa sinasabi ko sila'y nakikinig. |
|
| 22 |
|
| Ang sinabi ko'y di na dapat ulitin, pagkat sa isip agad itong naitatanim. |
|
| 23 |
|
| Sa mga sasabihin ko'y lagi silang naghihintay, salita ko'y parang ulan sa panahon ng tag-araw. |
|
| 24 |
|
| At ang aking mga ngiti sa kanila'y pampalakas-loob, sa saya ng aking mukha silang lahat ay nalulugod. |
|
| 25 |
|
| Para akong hari na sa hukbo'y nag-uutos, at nagbibigay ng aliw kapag sila'y nalulungkot. |
|
|
|
|