|
| 1 |
|
| Pagkaraan ng matagal na pananahimik, nagsalita si Job at isinumpa ang araw nang siya'y isilang. |
|
| 2 |
|
| Ito ang kanyang sinabi: |
|
| 3 |
|
| “Hindi na sana ako ipinanganak pa at hindi na rin sana ako ipinaglihi. |
|
| 4 |
|
| Nabalot na sana ng dilim at huwag mo na sanang maalala pa ang araw na iyon, O Diyos. Huwag mo na sanang pasikatan pa ito ng liwanag. |
|
| 5 |
|
| Nanatili na lamang sana ito sa takip ng kadiliman, at nabalot ng ulap, upang huwag nang sikatan ng araw. |
|
| 6 |
|
| Nalagas sana ito sa tangkay ng panahon, at hindi na napabilang sa aklat ng kasaysayan. |
|
| 7 |
|
| Ang gabing iyon sana'y malumbay; wala na sanang sigaw ng kagalakan, |
|
| 8 |
|
| at sumpain ng mga salamangkerong nagpapaamo ng dambuhalang Leviatan. |
|
| 9 |
|
| Huwag na sanang sumikat ang bituin sa umaga, at huwag na sanang sundan ng umaga ang gabi. |
|
| 10 |
|
| Sumpain ang gabi ng aking pagsilang na nagdulot sa akin ng ganitong kahirapan. |
|
| 11 |
|
| “Bakit hindi pa ako namatay sa tiyan ng aking ina, o kaya'y noong ako'y isilang niya? |
|
| 12 |
|
| Bakit kaya ako ay idinuyan pa, kinalong, inalagaan, at binigyan ng gatas sa dibdib niya? |
|
| 13 |
|
| Kung namatay ako noon, ako sana'y tahimik na, mahimbing na natutulog at nagpapahinga. |
|
| 14 |
|
| Katulad ng mga hari at pinunong yumao, na noong panahon nila'y nagtayo ng mga palasyo. |
|
| 15 |
|
| Tahimik na sana ako tulad ng mga pinunong nakapag-imbak sa kanilang bahay ng mga ginto at pilak, |
|
| 16 |
|
| o tulad ng mga sanggol na patay nang ipanganak at hindi na nakakita pa ng liwanag. |
|
| 17 |
|
| Sa libinga'y hindi na makakapanggulo ang mga masasama, at doon ang mga napapagod ay makakapagpahinga. |
|
| 18 |
|
| Doon, pati mga bihag ay wala nang ligalig, wala nang mga sigaw at utos na mabagsik. |
|
| 19 |
|
| Ang mga abâ at mga dakila ay sama-sama roon, ang mga alipin ay malaya na sa kanilang panginoon. |
|
| 20 |
|
| “Bakit pa isinilang kung magdurusa rin lamang? At bakit pa binuhay kung daranas din lang ng kahirapan? |
|
| 21 |
|
| Kamataya'y hinahanap ngunit hindi matagpuan, hinuhukay at ninanais higit pa sa kayamanan. |
|
| 22 |
|
| Sa kanila'y ubod-tamis nitong kamatayan. |
|
| 23 |
|
| Ano kaya ang dahilan at ang tao'y isinilang, kung inilihim naman ng Diyos ang kanyang patutunguhan? |
|
| 24 |
|
| Karaingan ang aking pagkain, pagtitiis ang aking inumin. |
|
| 25 |
|
| Ang kinatatakutan ko ang siyang nangyari sa akin, at ang pinakaaayawan ko ang dumating sa akin. |
|
| 26 |
|
| Hindi ako mapalagay, wala akong kapayapaan, kaguluhan sa buhay ko ay walang katapusan.” |
|
|
|
|