|
| 1 |
|
| Kinalaunan, nagsalita si Job at isinumpa niya ang araw na isinilang siya. |
|
| 2 |
|
| Sinabi niya, |
|
| 3 |
|
| “Isinusumpa ko ang araw na akoʼy ipinanganak. |
|
| 4 |
|
| Naging madilim na lang sana ang araw na iyon at hindi na sinikatan ng araw. Kinalimutan na lang sana ng Dios sa langit ang araw na iyon. |
|
| 5 |
|
| Nanatili na lang sana itong madilim o natatakpan ng makapal na ulap, at nilukuban na lang sana ng kadiliman ang kaliwanagan. |
|
| 6 |
|
| Kinuha na lang sana ng kadiliman ang gabing iyon nang akoʼy isilang, at hindi na sana napabilang sa kalendaryo. |
|
| 7 |
|
| Hindi na nga lang sana ako ipinanganak ng gabing iyon, at wala rin sanang kasayahan noon. |
|
| 8 |
|
| Sumpain nawa ang gabing iyon ng mga manunumpa na alam kung paano pakilusin ang Leviatan. |
|
| 9 |
|
| Hindi na sana sumikat ang tala sa umaga ng araw na iyon, at hindi na sana dumating ang bukang-liwayway. |
|
| 10 |
|
| Isinusumpa ko ang araw na iyon dahil hindi niya pinigilan ang pagsilang sa akin, nang hindi ko na sana naranasan ang ganitong paghihirap. |
|
| 11 |
|
| “Mabuti pang namatay na lang ako sa sinapupunan ng aking ina. |
|
| 12 |
|
| Bakit pa ako kinalingaʼt pinasuso ng aking ina? |
|
| 13 |
|
| Kung namatay na sana ako noon, tahimik na sana ako ngayong natutulog at nagpapahinga |
|
| 14 |
|
| kasama ng mga hari at mga pinuno ng mundo na nagtayo ng mga palasyo na giba na ngayon. |
|
| 15 |
|
| Nagpapahinga na rin sana ako kasama ng mga pinuno na ang mga tahanan ay puno ng mga gintoʼt pilak. |
|
| 16 |
|
| Mas mabuti pang akoʼy naging katulad ng mga batang patay na nang ipinanganak at hindi na nakakita ng liwanag. |
|
| 17 |
|
| Doon sa lugar ng mga patay, ang masama ay hindi na gumagawa ng kasamaan at ang mga pagod ay nagpapahinga na. |
|
| 18 |
|
| Doon, ang mga bihag ay nagpapahinga rin at hindi na nila naririnig ang sigaw ng taong pumipilit sa kanila na magtrabaho. |
|
| 19 |
|
| Naroon ang lahat ng uri ng tao, tanyag man o hindi. At ang mga alipin ay malaya na sa kanilang amo. |
|
| 20 |
|
| “Bakit pa pinapayagang mabuhay ang taong nagtitiis at nagdurusa? |
|
| 21 |
|
| Nagnanais silang mamatay pero hindi pa rin sila namamatay. Hangad nila ang kamatayan ng higit pa sa isang taong naghahanap ng nakatagong kayamanan. |
|
| 22 |
|
| Mas sasaya sila kapag namatay na at nailibing. |
|
| 23 |
|
| Bakit kaya niloob pa ng Dios na mabuhay ang tao nang hindi man lamang pinapaalam ang kanyang kahahantungan? |
|
| 24 |
|
| Hindi ako makakain dahil sa labis na pagdaramdam at walang tigil ang aking pagdaing. |
|
| 25 |
|
| Ang kinatatakutan koʼy nangyari sa akin. |
|
| 26 |
|
| Wala akong kapayapaan at katahimikan. Wala akong kapahingahan, pawang kabagabagan ang nararanasan ko.” |
|
|
|
|