|
| 1 |
|
| “Ngayon, Job, pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko sa iyo. |
|
| 2 |
|
| Handang-handa na akong magsalita, at ang mga sasabihin koʼy nasa dulo na ng aking dila. |
|
| 3 |
|
| Ang sasabihin koʼy mula sa tapat kong puso at tuwiran kong sasabihin ang aking nalalaman. |
|
| 4 |
|
| Ang espiritu ng Makapangyarihang Dios ang gumawa sa akin at nagbigay buhay. |
|
| 5 |
|
| Sagutin mo ako, kung kaya mo. Ihanda mo ang iyong katuwiran at harapin ako. |
|
| 6 |
|
| Pareho lang tayo sa harapan ng Dios. Tulad mo rin akong nagmula sa lupa. |
|
| 7 |
|
| Kaya huwag kang matakot sa akin at huwag mong isipin na aapihin kita. |
|
| 8 |
|
| “Narinig ko ang mga sinabi mo. Sinabi mong, |
|
| 9 |
|
| ‘Wala akong kasalanan. Malinis ako at walang ginawang masama. |
|
| 10 |
|
| Pero naghahanap ang Dios ng dahilan para akoʼy pahirapan. Itinuturing niya akong kaaway. |
|
| 11 |
|
| Kinadenahan niya ang mga paa ko at binabantayan ang lahat ng kilos ko.’ |
|
| 12 |
|
| “Pero Job, mali ka sa mga sinabi mo. Hindi baʼt ang Dios ay higit kaysa sa tao? |
|
| 13 |
|
| Bakit mo siya pinararatangan na hindi niya sinasagot ang daing ng tao? |
|
| 14 |
|
| Ang totoo, palaging nagsasalita ang Dios, kaya lang hindi nakikinig ang mga tao. |
|
| 15 |
|
| Nagsasalita siya sa pamamagitan ng panaginip o ng pangitain habang ang taoʼy natutulog ng mahimbing sa gabi. |
|
| 16 |
|
| Bumubulong siya sa mga tainga nila para magbigay ng babala, at ito ang nakapagpatakot sa kanila. |
|
| 17 |
|
| Ginagawa niya ito para pigilan sila sa paggawa ng kasalanan at pagmamataas, |
|
| 18 |
|
| at para mailigtas sila sa kamatayan. |
|
| 19 |
|
| Kung minsan naman, itinutuwid ng Dios ang tao sa pamamagitan ng sakit tulad ng walang tigil na pananakit ng buto, |
|
| 20 |
|
| at nawawalan siya ng ganang kainin kahit na ang pinakamasasarap na pagkain. |
|
| 21 |
|
| Kaya pumapayat siya, at nagiging butoʼt balat na lamang. |
|
| 22 |
|
| Malapit na siyang mamatay at mapunta sa lugar ng mga patay. |
|
| 23 |
|
| “Pero kung may kahit isa man sa isang libong anghel na mamamagitan sa kanya at sa Dios, at sasabihing siya ay matuwid, |
|
| 24 |
|
| kahahabagan siya ng Dios. At sasabihin ng Dios, ‘Iligtas nʼyo siya sa kamatayan. Nakatagpo ako ng pantubos sa kanya.’ |
|
| 25 |
|
| Muli siyang magiging malusog. Lalakas siya tulad noong kanyang kabataan. |
|
| 26 |
|
| At kapag nanalangin siya sa Dios, sasagutin siya ng Dios at masayang tatanggapin, ibabalik ng Dios ang matuwid niyang pamumuhay. |
|
| 27 |
|
| Pagkatapos, sasabihin niya sa mga tao, ‘Nagkasala ako at gumawa ng hindi tama, pero hindi ko natanggap ang parusang nararapat sa akin. |
|
| 28 |
|
| Iniligtas niya ako sa kamatayan at patuloy akong nabubuhay.’ |
|
| 29 |
|
| “Oo, lagi itong ginagawa ng Dios sa tao. |
|
| 30 |
|
| Inililigtas niya ang tao sa kamatayan para mabuhay ito. |
|
| 31 |
|
| “Job, pakinggan mo akong mabuti. Tumahimik kaʼt hayaan akong magsalita. |
|
| 32 |
|
| Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo, dahil gusto kong malaman kung wala ka talagang kasalanan. |
|
| 33 |
|
| Pero kung wala ka namang sasabihin, tumahimik ka na lang at makinig sa karunungan ko.” |
|
|
|
|