|
| 1 |
|
| Bukod dito'y sumagot si Eliu, at nagsabi, |
|
| 2 |
|
| Dinggin ninyo ang aking mga salita, kayong mga pantas; at pakinggan ninyo ako, ninyong may kaalaman. |
|
| 3 |
|
| Sapagka't ang pakinig ay tumitikim ng mga salita, gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain. |
|
| 4 |
|
| Ating piliin sa ganang atin ang matuwid: ating alamin sa gitna natin kung ano ang mabuti. |
|
| 5 |
|
| Sapagka't sinabi ni Job, Ako'y matuwid, at inalis ng Dios ang aking katuwiran: |
|
| 6 |
|
| Gayon ma'y akong may matuwid ay nabilang akong sinungaling; at ang aking sugat ay walang kagamutan, bagaman ako'y walang pagsalangsang. |
|
| 7 |
|
| Sinong tao ang gaya ni Job, na umiinom ng pagkaduwahagi na tila tubig, |
|
| 8 |
|
| Na yumayaon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan, at lumalakad na kasama ng mga masamang tao? |
|
| 9 |
|
| Sapagka't kaniyang sinabi, Walang napapakinabang ang tao na siya'y makapagpalugod sa Dios. |
|
| 10 |
|
| Kaya't dinggin ninyo ako, ninyong mga lalaking may unawa: malayo nawa sa Dios na siya'y gumawa ng masama; at sa Makapangyarihan sa lahat, na siya'y magkamit ng kasamaan. |
|
| 11 |
|
| Sapagka't ang gawa ng tao ay tutuusin niya sa kaniya, at ipatatagpo sa bawa't tao ang ayon sa kaniyang mga lakad. |
|
| 12 |
|
| Oo, sa katotohanan, ang Dios ay hindi gagawa ng kasamaan, ni ang Makapangyarihan sa lahat ay sisira ng kahatulan. |
|
| 13 |
|
| Sinong nagbigay sa kaniya ng bilin sa lupa? O sinong nagayos ng buong sanglibutan? |
|
| 14 |
|
| Kung kaniyang ilagak ang kaniyang puso sa tao, kung kaniyang pisanin sa kaniyang sarili ang kaniyang espiritu at ang kaniyang hininga; |
|
| 15 |
|
| Tanang laman ay mamamatay na magkakasama, at ang tao ay mababalik uli sa alabok. |
|
| 16 |
|
| Kung ngayon ay mayroon kang unawa ay dinggin mo ito: Dinggin mo ang tinig ng aking mga salita. |
|
| 17 |
|
| Mamamahala ba ang nagtatanim sa katuwiran? At iyo bang parurusahan siyang ganap at may kaya? |
|
| 18 |
|
| Siya na nagsabi sa isang hari: ikaw ay hamak? O sa mga mahal na tao: Kayo'y masasama? |
|
| 19 |
|
| Na hindi gumagalang sa mga pagkatao ng mga pangulo, ni nagpakundangan man sa mayaman ng higit kay sa mahirap; sapagka't silang lahat ay gawa ng kaniyang mga kamay. |
|
| 20 |
|
| Sa isang sangdali ay nangamamatay sila, kahit sa hating gabi; ang bayan ay inuuga at nawawala, at inaalis ang may kaya ng wala man lamang kamay. |
|
| 21 |
|
| Sapagka't ang kaniyang mga mata ay nangasa lakad ng tao, at nakikita niya ang lahat niyang pagyaon. |
|
| 22 |
|
| Walang kadiliman, ni makapal man pangungulimlim, na mapagtataguan ng mga manggagawa ng kasamaan. |
|
| 23 |
|
| Sapagka't hindi na niya pakukundanganan ang tao, upang siya'y humarap sa Dios sa kahatulan. |
|
| 24 |
|
| Kaniyang niluluray ang mga makapangyarihang tao ng mga paraang di masayod, at naglalagay ng mga iba na kahalili nila. |
|
| 25 |
|
| Kaya't siya'y kumukuhang kaalaman sa kanilang mga gawa; at kaniyang binabaligtad sila sa gabi, na anopa't sila'y nangalilipol. |
|
| 26 |
|
| Kaniyang hinahampas sila na parang masasamang tao sa hayag na paningin ng mga iba, |
|
| 27 |
|
| Sapagka't sila'y nagsilihis ng pagsunod sa kaniya, at hindi binulay ang anoman sa kaniyang mga lakad: |
|
| 28 |
|
| Na anopa't kaniyang pinadating ang daing ng dukha sa kaniya, at dininig niya ang daing ng napipighati. |
|
| 29 |
|
| Pagka siya'y nagbibigay ng katahimikan, sino ngang makahahatol? At pagka kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, sinong makakakita sa kaniya? Maging gawin sa isang bansa, o sa isang tao: |
|
| 30 |
|
| Upang ang taong di banal ay huwag maghari, upang huwag maging silo sa bayan. |
|
| 31 |
|
| Sapagka't may nagsabi ba sa Dios: Aking tinitiis ang parusa, hindi na ako magkakasala pa: |
|
| 32 |
|
| Yaong hindi ko nakikita ay ituro mo sa akin: kung ako'y nakagawa ng kasamaan hindi ko na ito gagawin pa? |
|
| 33 |
|
| Mangyayari pa ba ang kaniyang kagantihan na gaya ng iyong ibig na iyong tinatanggihan? Sapagka't ikaw ang marapat pumili at hindi ako: kaya't salitain mo kung ano ang iyong nalalaman. |
|
| 34 |
|
| Mga taong may unawa ay magsasabi sa akin, Oo, bawa't pantas na taong nakakarinig sa akin: |
|
| 35 |
|
| Si Job ay nagsasalita ng walang kaalaman. At ang kaniyang mga salita ay walang karunungan. |
|
| 36 |
|
| Si Job nawa'y subukin hanggang sa wakas, dahil sa ang kaniyang sagot ay gaya ng mga masamang tao. |
|
| 37 |
|
| Sapagka't siya'y nagdadagdag ng panghihimagsik sa kaniyang kasalanan, kaniyang pinagagalaw ang kaniyang mga kamay sa gitna natin, at pinararami ang kaniyang mga salita laban sa Dios. |
|
|
|
|