|
| 1 |
|
| At si Elihu ay sumagot at sinabi, |
|
| 2 |
|
| "Iniisip mo bang ito'y makatuwiran? Sinasabi mo bang, 'Sa harapan ng Diyos ito'y aking karapatan,' |
|
| 3 |
|
| na iyong tinatanong, 'Ano bang iyong kalamangan? Paanong mas mabuti ako kung ako'y nakagawa ng kasalanan?' |
|
| 4 |
|
| Sasagutin kita at ang iyong mga kaibigang kasama mo. |
|
| 5 |
|
| Tumingala ka sa langit at tingnan mo; at masdan mo ang mga ulap, na mas mataas kaysa iyo. |
|
| 6 |
|
| Kung ikaw ay nagkasala, anong iyong nagawa laban sa kanya? At kung ang iyong mga pagsuway ay dumarami, anong iyong ginagawa sa kanya? |
|
| 7 |
|
| Kung ikaw ay matuwid, anong sa kanya'y iyong ibinibigay; o ano bang tinatanggap niya mula sa iyong kamay? |
|
| 8 |
|
| Ang iyong kasamaan ay nakakapinsala sa ibang gaya mo; at ang iyong katuwiran, ay sa ibang mga tao. |
|
| 9 |
|
| "Dahil sa dami ng mga kaapihan, ang mga tao'y sumisigaw; sila'y humihingi ng saklolo dahil sa kamay ng makapangyarihan. |
|
| 10 |
|
| Ngunit walang nagsasabing, 'Nasaan ang Diyos na sa akin ay lumalang, na siyang nagbibigay ng awit sa kinagabihan, |
|
| 11 |
|
| na siyang nagtuturo sa atin ng higit kaysa mga hayop sa daigdig, at ginagawa tayong mas matatino kaysa mga ibon sa himpapawid?' |
|
| 12 |
|
| Tumatawag sila roon, ngunit siya'y hindi sumasagot, dahil sa kapalaluan ng mga taong buktot. |
|
| 13 |
|
| Tunay na hindi pinapakinggan ng Diyos ang walang kabuluhang karaingan, ni pinapahalagahan man ito ng Makapangyarihan sa lahat. |
|
| 14 |
|
| Lalo pa nga kung iyong sinasabing hindi mo siya nakikita, na ang usapin ay nasa harap niya, at iyong hinihintay siya! |
|
| 15 |
|
| At ngayon, sapagkat ang galit niya'y hindi nagpaparusa, at ang kasamaan ay hindi niya sinusunod, |
|
| 16 |
|
| ibinubuka ni Job ang kanyang bibig sa walang kabuluhan, siya'y nagpaparami ng mga salita na walang kaalaman. |
|
|
|
|