Magandang Balita Biblia
|
| 1 |
| Nagpatuloy pa si Elihu, |
| 2 |
| “Ikaw, Job, ay wala sa katuwiran, di mo masasabing sa harap ng Diyos, ika'y walang kasalanan. |
| 3 |
| Sa iyong sinasabi, ang mapapala ko'y ano? Hindi kaya mabuti pang nagkasala na nga ako? |
| 4 |
| Ika'y aking sasagutin sa sinabi mong ito. Sasagutin kita, pati mga kaibigan mo. |
| 5 |
| “Tumingala ka sa langit at igala ang paningin, masdan mo ang mataas na ulap sa papawirin. |
| 6 |
| Di napipinsala ang Diyos sa mga kasalanan mo, walang magagawa sa kanya gaano man karami ito. |
| 7 |
| Wala kang naitulong sa kanya sa iyong pagiging matuwid, wala kang naibigay kahit bagay na maliit. |
| 8 |
| Kung nagkakasala ka'y kapwa mo ang nagdurusa, sa paggawa ng mabuti'y natutulungan mo sila. |
| 9 |
| “Kapag ang mga tao'y inaapi, sila ay dumaraing, sila'y nagmamakaawa upang ang tulong ay kamtin. |
| 10 |
| Ngunit hindi naman sila lumalapit sa Diyos, na nagbibigay ng pag-asa kung dinaranas ay lungkot. |
| 11 |
| Ayaw nilang lumapit sa Diyos na nagbibigay sa atin ng karunungan, higit sa taglay ng mga hayop o ibon sa kalawakan. |
| 12 |
| Humihibik sila sa Diyos ngunit hindi pinapakinggan, pagkat sila'y mga palalo at puno ng kasamaan. |
| 13 |
| Huwag sabihing ang Makapangyarihang Diyos ay di nakikinig, na di niya pinapansin ang kanilang sinapit. |
| 14 |
| “Ikaw na rin ang nagsabing ang Diyos ay hindi mo nakikita, maghintay ka na lamang sapagkat ang kalagayan mo'y alam niya. |
| 15 |
| Akala mo'y hindi siya marunong magparusa, at ang kasamaa'y ipinagwawalang-bahala niya. |
| 16 |
| Wala nang saysay kung magsasalita ka pa, mga sinasabi mo nama'y walang kuwenta.” |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2012/job/035.mp3
42
35