Ang Salita ng Dios
|
| 1 |
| Sinabi pa ni Elihu, |
| 2 |
| “Akala mo baʼy tama ka sa pagsasabing wala kang kasalanan sa harap ng Dios? |
| 3 |
| Pero tinatanong mo rin, ‘Anong pakinabang ko kung akoʼy hindi gagawa ng kasalanan?’ |
| 4 |
| “Sasagutin kita pati na ang iyong mga kaibigan. |
| 5 |
| Tumingin ka sa langit at tingnan mo kung gaano kataas ang ulap. |
| 6 |
| Kung magkasala ka, hindi iyon makakaapekto sa Dios, kahit patuloy ka pang magkasala. |
| 7 |
| Kung matuwid ka, ano naman ang kabutihang maibibigay nito sa Dios? |
| 8 |
| Ang maaapektuhan lamang sa ginagawa mong mabuti o masama ay ang iyong kapwa. |
| 9 |
| “Ang mga inaapi ay humihingi ng tulong na iligtas sila sa kamay ng mga makapangyarihang tao. |
| 10 |
| Pero hindi sila tumatawag sa Dios na lumikha sa kanila at nagbibigay ng kalakasan sa panahon ng paghihirap. |
| 11 |
| Hindi sila lumalapit sa Dios na nilikha silang higit na marunong kaysa sa mga hayop at ibon. |
| 12 |
| At kung mananalangin sila, hindi sila sinasagot ng Dios dahil mayayabang sila at masasamang tao. |
| 13 |
| Tunay ngang hindi dinidinig ng Makapangyarihang Dios ang walang kabuluhang paghingi nila ng tulong. |
| 14 |
| Job, lalo ka lang niyang hindi pakikinggan kung sasabihin mong hindi mo nakikita ang kanyang tulong nang idinulog mo ang iyong kalagayan, at pinaghihintay ka lang. |
| 15 |
| Sinabi mo rin na hindi nagpaparusa ang Dios kahit galit siya, at hindi niya pinapansin ang kasamaang ginagawa ng tao. |
| 16 |
| Job, walang saysay ang sinasabi mo. Talagang malinaw na hindi mo alam ang iyong sinasabi.” |
| I-save ang Mga Tala |
https://beblia.bible:81/BibleAudio/tagalog2015/job/035.mp3
42
35