|
| 1 |
|
| Idinagdag pa ni Elihu, |
|
| 2 |
|
| “Magtiyaga ka pa nang kaunti at makinig sa akin, pagkat ayon sa Diyos itong aking sasabihin. |
|
| 3 |
|
| Ibubuhos kong lahat ang aking nalalaman upang patunayang ang aking Diyos ay makatarungan. |
|
| 4 |
|
| Lahat ng sasabihin ko ay pawang katotohanan, pagkat akong kausap mo'y malawak ang kaalaman. |
|
| 5 |
|
| “Ang Diyos ay dakila at di nagtatakwil ng sinuman, siya ay dakila sa taglay niyang kaalaman. |
|
| 6 |
|
| Hindi niya pinatatagal ang buhay ng mga makasalanan, ang mga mahihirap ay binibigyan niya ng katarungan. |
|
| 7 |
|
| Ang matuwid ay kanyang iniingatan, ginagawang parang hari, at binibigyang-karangalan sa lahat ng sandali. |
|
| 8 |
|
| Kung ang tao'y nagagapos o natatanikalaan o kaya'y nagdurusa sa nagawang kasalanan, |
|
| 9 |
|
| ipinamumukha ng Diyos ang kanilang kasamaan, at ang naghaharing hambog na isipan. |
|
| 10 |
|
| Sila'y kanyang sinasaway at binabalaan na tumalikod sa kanilang kasamaan. |
|
| 11 |
|
| Kung sila ay makinig at sa Diyos ay maglingkod, buhay na sagana at payapa, sa kanila'y idudulot. |
|
| 12 |
|
| Ngunit kapag sila'y di nakinig at pinairal ang kamangmangan, tiyak na kamatayan ang kanilang hahantungan. |
|
| 13 |
|
| “Poot ang naghahari sa dibdib ng masama, parusahan man ng Diyos, ayaw pa ring magmakaawa. |
|
| 14 |
|
| Sa kanilang kabataan sila ay namamatay, nagwakas sa kahihiyan ang kanilang mga buhay. |
|
| 15 |
|
| Ang tao'y pinaghihirap ng Diyos upang bigyang-aral, at kanyang pinagdurusa upang mabuksan ang kanilang pananaw. |
|
| 16 |
|
| “Inalis ka ng Diyos sa kaguluhan, pinagtamasa ka niya ng kapayapaan, at pinuno ng pagkain ang iyong tahanan. |
|
| 17 |
|
| Ngunit ngayon, ikaw ay pinaparusahan bilang katumbas ng iyong kasamaan. |
|
| 18 |
|
| Huwag mong pabayaang suhulan ka ng sinuman, mag-ingat upang di mailigaw ng mga kayamanan. |
|
| 19 |
|
| Dumaing ka man nang dumaing ay wala nang mangyayari, ang taglay mong lakas ngayon ay wala na ring silbi. |
|
| 20 |
|
| Huwag mong naising ang gabi'y dumating na, ang oras na ang mga bansa ay mawawala na. |
|
| 21 |
|
| Huwag mong isipin ang magpakasama, ito ang dahilan kaya ika'y nagdurusa. |
|
| 22 |
|
| “Alalahanin mong ang Diyos ay makapangyarihan, pinakadakilang guro sa lahat ng bagay. |
|
| 23 |
|
| Walang makakapagsabi sa Diyos ng dapat niyang gampanan, at walang kasamaang maaaring ibintang. |
|
| 24 |
|
| Lahat ay nagpupuri sa kanya dahil sa kanyang ginagawa, kaya ikaw man ay magpuri rin at sa kanya'y dumakila. |
|
| 25 |
|
| Ang mga gawa niya, lahat ay namasdan, ngunit hindi ito lubos na maunawaan. |
|
| 26 |
|
| Di masusukat ng tao ang kanyang kadakilaan, at ang kanyang mga taon ay hindi rin mabibilang. |
|
| 27 |
|
| “Ang tubig sa lupa'y itinataas ng Diyos, upang gawing ulan at sa daigdig ay ibuhos. |
|
| 28 |
|
| Ang mga ulap ay ginagawa niyang ulan, at masaganang ibinubuhos sa sangkatauhan. |
|
| 29 |
|
| Sa galaw ng mga ulap ay walang nakakaalam, at kung paano kumukulog sa kalangitan. |
|
| 30 |
|
| Pinagliliwanag niya ang kalawakan sa pagguhit ng kidlat, ngunit nananatiling madilim ang kailaliman ng dagat. |
|
| 31 |
|
| Pinapamahalaan niya ang tao sa ganitong paraan, at masaganang pagkain, tayo'y hindi pinagkaitan. |
|
| 32 |
|
| Ang kidlat ay kanyang hinahawakan, at pinababagsak sa nais niyang matamaan. |
|
| 33 |
|
| Ipinapahayag ng kidlat ang kanyang kalooban, at ang kanyang galit laban sa kasamaan. |
|
|
|
|