|
| 1 |
|
| Si Eliu rin naman ay nagpatuloy at nagsabi, |
|
| 2 |
|
| Pagdalitaan mo akong sandali, at aking ipakikilala sa iyo; sapagka't mayroon pa akong masasalita sa pagsasanggalang sa Dios. |
|
| 3 |
|
| Dadalhin ko ang aking kaalaman mula sa malayo, at aking itutungkol ang katuwiran sa Maylalang sa akin. |
|
| 4 |
|
| Sapagka't tunay na ang aking mga salita ay hindi kabulaanan: Siyang sakdal sa kaalaman ay sumasaiyo. |
|
| 5 |
|
| Narito ang Dios ay makapangyarihan, at hindi humahamak sa kanino man; siya'y makapangyarihan sa lakas ng unawa. |
|
| 6 |
|
| Hindi niya pinanatili ang buhay ng masama: nguni't nagbibigay ng matuwid sa napipighati. |
|
| 7 |
|
| Hindi niya inihihiwalay ang kaniyang mga mata sa matuwid: kundi kasama ng mga hari sa luklukan, kaniyang itinatatag sila magpakailan man, at sila'y natataas. |
|
| 8 |
|
| At kung sila'y mapapangaw, at mapipigil sa mga panali ng kapighatian; |
|
| 9 |
|
| Itinuturo nga niya sa kanila ang kanilang gawa, at ang kanilang mga pagsalangsang na kanilang pinalalo. |
|
| 10 |
|
| Ibinubuka rin naman niya ang kanilang pakinig sa turo, at iniuutos na sila'y magsihiwalay sa kasamaan. |
|
| 11 |
|
| Kung sila'y makinig at maglingkod sa kaniya, kanilang gugugulin ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan, at ang kanilang mga taon sa kasayahan. |
|
| 12 |
|
| Nguni't kung hindi sila mangakinig, sila'y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak, at sila'y mangamamatay na walang kaalaman. |
|
| 13 |
|
| Nguni't ang di banal sa puso ay nagbubunton ng galit: hindi humihiyaw sila ng saklolo pagka tinatalian niya sila. |
|
| 14 |
|
| Sila'y nangamamatay sa kabataan, at ang kanilang buhay ay napapahamak sa gitna ng marumi. |
|
| 15 |
|
| Inililigtas niya ang mga dukha sa kanilang pagkapighati, at ibinubuka ang kanilang mga pakinig sa pagkapighati. |
|
| 16 |
|
| Oo, hahanguin ka niya mula sa kagipitan, hanggang sa luwal na dako na walang kagipitan; at ang malalagay sa iyong dulang ay mapupuno ng katabaan. |
|
| 17 |
|
| Nguni't ikaw ay puspos ng kahatulan ng masama: kahatulan at kaganapan ang humahawak sa iyo. |
|
| 18 |
|
| Sapagka't may poot, magingat ka baka ikaw ay iligaw ng iyong kasiyahan; ni mailigaw ka man ng kalakhan ng katubusan. |
|
| 19 |
|
| Mapapaari ba ang iyong sigaw na ikaw ay hindi mapapasa kapanglawan, O ang madlang lakas man ng iyong kalakasan? |
|
| 20 |
|
| Huwag mong nasain ang gabi, pagka ang mga bayan ay nangahiwalay sa kanilang kinaroroonang dako. |
|
| 21 |
|
| Ikaw ay magingat, huwag mong lingunin ang kasamaan; sapagka't ito'y iyong pinili sa halip ng kadalamhatian. |
|
| 22 |
|
| Narito, ang Dios ay gumagawa ng mainam sa kaniyang kapangyarihan: sinong tagapagturo ang gaya niya? |
|
| 23 |
|
| Sinong nagguhit sa kaniya ng kaniyang daan? O sinong makapagsasabi, ikaw ay gumawa ng kalikuan? |
|
| 24 |
|
| Alalahanin mo na iyong dinakila ang kaniyang gawa, na inawit ng mga tao. |
|
| 25 |
|
| Lahat ng mga tao'y nakakita noon; makikita ito ng tao sa malayo. |
|
| 26 |
|
| Narito, ang Dios ay dakila, at hindi natin nakikilala siya; hindi masayod ang bilang ng kaniyang mga taon. |
|
| 27 |
|
| Sapagka't pinailanglang niya ang mga patak ng tubig, na nagiging ulan mula sa singaw na yaon: |
|
| 28 |
|
| Na ibinubuhos ng mga langit at ipinapatak na sagana sa tao. |
|
| 29 |
|
| Oo, may makakaunawa ba ng paglaganap ng mga alapaap, ng mga kulog ng kaniyang kulandong? |
|
| 30 |
|
| Narito, pinalalaganap niya ang kaniyang liwanag sa palibot niya; at inaapawan ang kalaliman ng dagat. |
|
| 31 |
|
| Sapagka't sa pamamagitan ng mga ito ay hinahatulan niya ang mga bayan; siya'y nagbibigay ng pagkaing sagana. |
|
| 32 |
|
| Tinatakpan niya ang kaniyang mga kamay ng kidlat; at ibinilin sa kidlat na tumama sa pinakatanda. |
|
| 33 |
|
| Ang hugong niyaon ay nagsasaysay ng tungkol sa kaniya, ang hayop nama'y ng tungkol sa bagyo na dumarating. |
|
|
|
|